Published on

Showbiz Extra • Abril 1 – 15, 2015

  Alex Gonzaga
 
Alex Gonzaga
  Inday Bote pilot wins national TV ratings trends on Twitter
 
Matteo Guidicelli, Alex Gonzaga & Kian Cipriano
  Alonzo Muhlach
 
 Alonzo Muhlach

Ni Isagani Bartolome

Alex Gonzaga – maganda ang takbo ng career

Gumaganda ang takbo ng career ni Alex Gonzaga sa kasalukuyan. Mula nang lumipat ang dalaga sa bakuran ng ABS-CBN ay marami ang nakapuna na may patutunguhan ang pagiging komikera ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Noong pumasok sa PBB All In si Alex ay nakadagdag kulay siya at tinanggal ang umay sa loob ng bahay ni Kuya.

Pati ang kaniyang sinulat na libro, ang Dear Alex Break na Kami. Paano? Love Catherine ay mabiling mabili sa mga bookstore.

Balita na malapit na ring itong gawing pelikula at si Alex mismo ang napipisil na maging lead star nito. Kung sakali ay makakasama niya sina Luis Manzano at James Reid bilang mga leading men kapag natuloy na ang project na ito.

Marami rin ang aliw na aliw sa segment nila sa ASAP ni Luis Manzano kapag bumibirit na silang dalawa sa Karaoke Challenge.

Dahil dito ay itotodo na ng aktres ang kaniyang singing career. Matapos ilabas ang kaniyang album na I Am Alex G na may carrier single na Panaginip Lang, isang major major concert ang pasasabugin niya sa Araneta Coliseum ngayong Abril 2. Ito ay ang Alex Gonzaga, The Unexpected Concert.

Tiyak na kakabahan ang unang non-singer concert queen na si Anne Curtis kapag napuno ni Alex ang Araneta.

Kapag nangyari ito ay maaari nang sabihing siya ang bagong non-singer who can pack the big dome.

Marami rin ang natutuwa sa kaniyang Inday Bote show na mataas ang nakuhang rating sa pilot episode nito. May mga umaasa pa kasi na baka magkabalikan sila ng kaniyang partner dito na si Kian Cipriano. Nabalita kasi noon na nagkaroon ng special something ang dalawa noong nasa TV5 pa sila at nagkasama sa isang show doon. Kabituin din nila si Matteo Guidicelli sa nasabing sitcom at malakas din ang chemistry noong unang pagsasama nilang dalawa.

Nakaaaliw na kuwento ng pangarap at mahika ng pinakabagong fantasy-drama series ng ABS-CBN na Inday Bote na pagbibidahan nga ni Alex Gonzaga.

Ang Inday Bote ay halaw sa sikat na komiks na isinulat ng beteranong komiks novelist na si Pablo Gomez. Ito ay iikot sa kuwento ni Inday (gagampanan ni Alex), isang masayahing dalaga na handang gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya. Dahil sa kabusilakan ng kaniyang puso ay pagkakalooban si Inday ng isang mahiwagang bote na lingid sa kaniyang kaalaman ay tinitirahan ng mga duwendeng may kapangyarihan.

Paano babaguhin ng mahiwagang bote at ng mga duwende ang buhay ni Inday? Suwerte o kamalasan ba ang maidudulot nito sa kaniyang pamilya?

Ipakikilala rin sa Inday Bote ang pinakabagong Kapamilya child actor na si Alonzo Muhlach. Siya ay gaganap bilang isa sa mga duwendeng magiging kaibigan ni Inday na si Entoy.

Mukhang tuloy-tuloy na talaga ang pagsikat ng nakakabatang kapatid ni Celestine at baka maging bigger star pa siya pag nagkataon sa kaniyang Ate Toni.

Have a comment about this article? Send us your feedback.