Published on

Showbiz Extra • Marso 16 – 31, 2015

Ni Isagani Bartolome

   Jericho Rosales, Paulo Avelino and Maja Salvador with Edu Manzano and Carmina Villarroel
 
Paulo Avelino, Edu Manzano, Jericho Rosales
Carmina Villarroel & Maja Salvador

Bridges of Love – mapangahas

Mapangahas ang bagong teleserye ng Kapamilya Network na Bridges of Love. Pangungunahan ng mahusay na aktres sa kaniyang panahon na si Maja Salvador. Ang bagong seryeng ito ay kasama sina Jerico Rosales at Paulo Avelino.

Iikot ang kuwento sa dalawang magkapatid na magkakahiwalay ng landas dahil sa isang trahedya at muling pagtatagpuin ng pagkakataon sa pamamagitan ng isang star club dancer.

Si Maja ang magiging love interest ng dalawang lalaki na parehong magmamahal sa kaniya. Iba ang pait at malalim ang character na gagampanan ng aktres at tinuturing niyang greatest role so far ang Bridges of Love.

Inamin ni Maja na kinabahan siya sa mga eksena kung saan ay gumigiling-giling at kumekembot-kembot sa entablado.

Sa isang club talaga kinunan ang naturang eksena at talagang napapalibutan siya ng mga kalalakihan nang kinunan ang kaniyang pagsasayaw.

Balak din sana niyang pumunta sa isang girlie club para panoorin kung paano gumalaw at magtanong-tanong na rin kung ano ba ang buhay ng isang star dancer subalit hindi na ito natuloy.

Buti na lang at nagtrabaho sa Pegasus, isang kilalang stripper bar sa kamaynilaan ang kaniyang make-up artist kaya nabigyan siya ng tip kung ano ang ginagawa ng isang sexy dancer sa stage.

Tinutukan naman ng wardrobe department ang mga outfit na ipasusuot kay Maja sa mga delikadong eksena. Mga short shorts lang at kailangang naka-stocking ang aktres para naman hindi sila ma-triple SPG dahil pang primetime ang Bridges of Love.

Tiyak na maglalabanan sa larangan ng aktingan ang mga tauhan sa bagong seryeng ito ng ABS-CBN.

Kabilang sa cast sina Carmina Villaroel, Edu Manzano, Antoinette Taus, Max Eigenman, Janus del Prado, Joross Gamboa, John Manalo, William Lorenzo, Maureen Mauricio at Malou de Guzman.

Pamamahalaan nina Dao Lumibao, Will Fredo at Richard Some ang Brigdes of Love na magsisimula na ngayong Marso 16 kapalit ng Two Wives at kasunod ng Forevermore sa Primetime Bida.

Have a comment about this article? Send us your feedback.