• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Showbiz Extra • Setyembre 16 – 30, 2015

    Face Sounds Familiar
 
Kean Cipriano (Harry Styles), Denise Laurel (Jennifer Lopez), Eric Nicolas (Willie Revillame), Michael Pangilinan (George Michael), Melai (Madonna), Sam Concepcion (Eminem), Myrtle Sarrosa (Sandara Park), KZ as Vina Morales, Kakai Bautista (Sia)

Your Face Sounds Familiar – Bagong season sa ABS-CBN

Bumida ang level up na transformations at performances ng bagong walong celebrity performers sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar sa Kapamilya Network.

Itinanghal na unang weekly top scorer ng bagong season ang komedyanteng si Eric Nicolas para sa kaniyang eksakto, nakakaaliw, at nakakabilib na panggagaya kay Willie Revillame mula sa itsura, kilos at boses. Bilang winner na nakakuha ng kabuuang puntos na 42 mula sa jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta, nag-uwi si Eric ng P100,000, na ang kalahati ay mapupunta sa kaniyang napiling charity, ang Child Haus Foundation.

Sumunod sa scoreboard sina Sam Concepcion bilang Eminem, Kakai Bautista bilang Sia, Kean Cipriano bilang Harry Styles, Denise Laurel bilang Jennifer Lopez, Myrtle Sarrosa bilang Sandara Park, KZ bilang Vina Morales, at Michael Pangilinan bilang George Michael.

Sa darating na weekend (Sept 19 at 20) naman, abangan ang performances ni Sam bilang Jason Derulo, Eric bilang Louis Armstrong, Kean bilang Randy Santiago, Myrtle bilang Jessa Zaragoza, Denise bilang Christina Aguilera, Kakai bilang AiAi delas Alas, KZ bilang Pink, at Michael bilang Janno Gibbs.

Starstruck – Balik na sa Kapuso Network

Ang Starstruck TV show, ang original “artista” search sa telebisyon ay ibinalik nang muli ng GMA Network matapos ang halos sampung taon. Ang Starstruck ay maghahanap muli ng mga “ultimate survivors” at bibigyan ng katuparan ang mga pangarap ng mga haharap sa “artista” challenges.

Ang bagong Starstruck season will be hosted by primetime king Dingdong Dantes and Miss World 2013 and Starstruck Season 2 Avenger Megan Young.

Excited si Dingdong sa pagbabalik ng show at inaamin niyang may very special place sa kaniyang puso ito. “More than 10 years na siya, ang dami nang mga buhay ang na-touch ng Starstruck, especially mine. At proud ako to be part of it so that whenever something like this is born again, siyempre I would like to be part of it.”

Ayon naman kay Megan, “Being able to have the chance to witness the journey of the contenders is a humbling experience for me. Starstruck opened a lot of opportunities for me. And now that I’m one of the hosts, I’m excited to guide them to reach their dreams.”

Ang magbibigay ng daily updates tungkol sa challenges ay ang mga Starstruck alumni: Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Starstruck Kids First Prince Miguel Tanfelix, at Season 4 Ultimate Female Survivor Kris Bernal, na siya ring social media correspondent ng show.

Ang Council members, na mga judges din, ay sina Jennylyn Mercado, TV Host-Comedian Joey de Leon, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid and Dingdong Dantes.

Jennylyn Mercado Dingdong Dantes Kris Bernal
Jennylyn Mercado
Dingdong Dantes
Kris Bernal
Megan Young Joey de Leon Regine Velasquez Alcasid
Megan Young
Joey de Leon
Regine Velasquez Alcasid

Have a comment about this article? Send us your feedback.