• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Richard at Dawn, JC at Jessy, magtatambal sa pagbabalik-serye

    Fontanilla Family
 
Sam Concepcion, Dawn Zulueta, Richard Gutierrez, Jessy Mendiola, Paul Salas
  Vergara Family
 
Jobelle Salvador, Tonton Guitierrez & JC De Veyra
  Lara Quigaman
 
Lara Quigaman

May pag-asa pa kayang mabuo ng pagmamahal ang isang nasirang pamilya?

Ngayong Nobyembre, bibigyang diin ng ABS-CBN ang kahalagahan ng pamilya sa mga manonood sa paglalahad ng kuwento ng isang anak na gagawin ang lahat mabuo lang ang kaniyang pamilya sa pinakabagong powerhouse primetime drama na You’re My Home simula ngayong November 9.

Kilalanin ang pamilya Fontanilla sa mata ng pinakamatandang anak na si Grace Fontanilla (Jessy Mendiola). Matapos ang maraming taon ng pamumuhay nang simple lang, magiging marangya ang kanilang mga buhay simula nang hawakan ni Gabriel (Richard Gomez) ang kasong frustrated homicide laban kay Christian Vergara (JC De Vera), anak ng isang makapangyarihang senador (Tonton Gutierrez). Ang noo’y 12 taong gulang na si Grace ay maghahanap ng atensyon mula sa ama at inang si Marian (Dawn Zulueta) at maiisipang magrerebelde.

Isang gabi, umalis siya nang walang paalam at lumabas kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hinabol siya ni Rahm at ng kanilang kasambahay kaya naman naiwan si Vince mag-isa sa bahay. Makalipas lang ang ilang minuto ay gugulat sa pamilya ang balitang babago sa kanilang mga buhay–– nawawala si Vince.

Lilipas ang 12 taon at patuloy ang pangungulila nila kay Vince. Dala ng kaniyang pagkawala kung kaya’t naghiwalay na sina Marian at Gabriel. Si Marian ay abala na sa kaniyang clothing line business habang si Gabriel naman ay kinakasama na si Roni (Lara Quigaman), ang pulis na naghawak ng kaso ng kaniyang anak. Sa murang edad, si Rahm (Sam Concepcion) naman ay may anak at asawa na, habang si Grace naman ay patuloy na sinisisi ang sarili sa pagkakawala ng bunsong kapatid.

Muling pagkukrusin ng tadhana ang landas ni Grace at ng ngayo’y binata nang si Vince (Paul Salas). Sa kaniyang pagbabalik, manumbalik din kaya ang dati’y matibay na ugnayan ng pamilya Fontanilla? Bigyan kaya nina Marian at Gabriel ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan? Matanggap kaya ni Rahm si Vince sa kabila ng selos na nararamdaman nito sa kapatid? Paano kung mahulog ang loob ni Grace kay Christian, ang lalaking nahatulang guilty sa pagkidnap kay Vince? Mas matimbang ba ang pag-ibig niya sa pamilya kaysa sa binata? Ano ang katotohanan sa pagkawala ni Vince?

Kasama rin sa cast sina Assunta De Rossi, Jobelle Salvador, Mika Dela Cruz, Minnie Aguilar, Peewee O’Hara, Belle Mariano, Bugoy Carino, at Raikko Mateo.

Ang You’re My Home ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng sa ilalim ng pamamahala ni business unit head Malou Santos. Ang creative team nito ay pinamumunuan naman ng creative manager at “MMK” headwriter na si Arah Jell Badayos.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng You’re My Home sa November 9 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa exclusive updates, mag-log on to Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreatives_TV.

Have a comment about this article? Send us your feedback.