Published on

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 1-15, 2021

      Kylie Padilla Aljur Abrenica
Kylie Padilla & Aljur Abrenica
  jodie raymart
 
Jodi Sta. Maria & Raymart Santiago 
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Gerald Anderson Julia Barretto
 
Gerald Anderson & Julia Barretto
  Rica P
 
Rica Peralejo 
  Ara Mina
 
Ara Mina
  Ellen Adarna
 
Ellen Adarna
  derek ellen elias
 
Derek Ramsay, Ellen Adarna & Elias
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Raffy Tulfo
 
Raffy Tulfo
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

Aljur Abrenica at Kylie Padilla – Hiwalay na?

Nakakuha kami ng malinaw na impormasyon mula sa isang source na hindi nanununog at nangu-nguryente tungkol sa kasalukuyang sitwas-yon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sobrang lungkot ang nararamdaman ng aming source dahil napakaaga raw bumitiw ni Kylie sa relasyon nila ni Aljur. At sa social media pa niya iyon pinadaan, hindi sa pakikipag-usap nang masinsinan sa kaniyang asawa. Wala raw respeto si Kylie sa aktor.

Pera at babae ang sinasabing dahilan ng kanilang hiwalayan. Iyon ang pinag-ugatan, sabi ng mas nakararami, sa pagsigaw ng kalayaan ni Kylie.

Kuwento ng aming kausap, “December last year pa lang, mayroon na silang pinagdadaanan. Iyong sa issue ng pera, may katotohanan iyon, pero iyong nambababae si Aljur, kalokohan iyon!

“Hindi sila pinababayaan ni Aljur, kahit sa buong pandemya, hindi sila nagutom. Hindi man malaki ang kinikita niya ngayon, e, priority pa rin si Kylie at ang mga anak nila sa kinikita ni Aljur.

“Pero may mga nakarating na kuwento sa kampo ni Aljur, mga salita ni Kylie iyon na talagang dinamdam ni Aljur. Very supportive sa kanila ang mga Abrenica.

“Naiintindihan nila na limitado ang mga projects ngayong pandemic. Tumutulong sila kina Aljur at Kylie. Hindi na nila kailangang humingi, pakiramdaman lang,” kuwento pa ng aming impormante.

May kuwentong nakarating sa panig ni Aljur na si Kylie mismo ang nagsasabi sa kaniyang mga nakakausap na nagtatamad-tamaran daw si Aljur, ayaw magtrabaho, sa kaniya lang daw umaasa ang kaniyang mister.

Dagdag na komento ng aming source, “Walang katotohanan iyon! Masipag si Aljur. Priority niya ang pamilya nila. Hindi sila nagutom kahit minsan. iyong pambababae raw ni Aljur?

“Kalokohan iyon! Malaking kalokohan iyon! Walang suportang ebidensiya iyon! Iyong problema nila financially, kapani-paniwala iyon!

“May naghahanap, may hinahanapan, may bumibitiw, may gustong magsalba ng relasyon, iyon ang totoo!” napakadiing sabi ng aming kausap.

Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan ngayon ay pagtulungan sana nina Aljur at Kylie na maisalba ang kanilang relasyon. Sayang na sayang.

Ipinaglaban nila nang magkahawak-kamay ang pagmamahalang ito.

Jodi Sta. Maria – Dedma sa panunumbat ni Claudine Barretto

Tulad ng mga pinagdaanan niyang kontrobersiya ay inaasahan na naming hindi papatulan ni Jodi Sta. Maria ang mga bagong panunumbat ni Claudine Barretto laban sa kaniya.

Hindi nagbibigay ng anumang paliwanag si Jodi hanggang maaari, malaking bentahe para sa kaniya ang pananahimik, magaling siyang bumbero dahil agaran niyang napapatay ang sunog.

Umariba na naman si Claudine. Sinasabi raw ni Jodi na Christian siya, pero ang karelasyon niya naman ay pamilyado na, hindi pa pinawawalang-bisa ang kasal nila ni Raymart Santiago.

Patutsada pa ni Claudine, kahit daw ang kasal nila ni Pampi Lacson ay hindi pa rin naman annulled, kaya doble-doble ang kasasabitan ni Jodi kapag lumala ang sitwasyon.

Magkaibigan daw sila, maraming kuwento si Claudine tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, pero bakit daw hindi man lang siya nagpasintabi noong nililigawan na siya ni Raymart?

Mahirap daw bang gawin iyon samantalang magkaibigan naman sila? Iyon ang mga himutok ni Claudine laban kay Jodi, hindi man lang daw siya bumusina, ikinawindang na lang daw ng mga anak nila ni Raymart ang mga naglabasang retrato habang nagde-date sila ng aktor.

Pero ramdam naming hindi sasagot si Jodi sa mga ibinatong akusasyon ni Claudine, gagamitin niya na lang siguro ang kaniyang emosyon sa mga eksena nila ni Iza Calzado sa ginagawa nilang serye, tutal naman ay may pagkakahawig ang kuwento noon sa tunay niyang buhay.

May mga puntong nasa tama si Claudine, pero hindi na lang iyon papatulan pa ni Jodi, silang dalawa na lang ni Raymart ang mag-uusap tungkol doon.

Maganda na rin kung iyon ang mangyayari, sa mga panahong ito kasi ay parang boksingero si Claudine na naghahanap ng makakalaban sa lona, kapag naglitanya ng sagot si Jodi ay gustung-gusto iyon ng nakahiwalay na asawa ni Raymart.

Dahil sa batas ay mag-asawa pa rin sila ni Raymart hanggang ngayon ay magmimistulang challenger si Jodi sa pag-agaw ng korona.

John Lloyd Cruz – Balik pelikula na

Nandito na ang matagal na pinakahihintay hindi lang ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz kundi pati ng ating mga kababayan. Mula sa nabigo nilang relasyon ni Ellen Adarna ay nauntog din sa katotohanan ang magaling na aktor na kailangan na niyang bumalik sa harap ng mga camera.

Nasa Sorsogon na ngayon si JLC kasama ang iba pang mga artistang makakasama niya para sa pelikulang Servando Magdamag na si Ricky Lee ang sumulat ng istorya sa pamamahala ni Direk Lav Diaz.

Matindi ang pundasyon ng proyektong sisimulan na ni John Lloyd, na dapat lang naman, dahil mahigit na dalawang taon siyang lumiban sa trabaho.

Mula nang maging magkarelasyon sila ni Ellen Adarna ay namahinga na sa pag-arte ang magaling na aktor. Ang relasyon nila ng sexy star ang kaniyang naging prayoridad.

Walang maririnig na anumang pagsisisi mula kay John Lloyd dahil naging maligaya siya noong mga panahong iyon at nagbunga pa ng isang Elias Modesto na napakagandang regalo sa kaniya ng langit.

Tanong ng isang kausap namin, wala raw kayang maging pagbabago ang pag-arte ni JLC, hindi raw kinalawang na ang kaniyang talento sa tagal ng panahong hindi siya humarap sa mga camera?

Walang-wala. Napakanatural ng pagganap ni John Lloyd, hininog na siya ng panahon, sa kaniyang henerasyon ay siya ang kinikilalang pinakamahusay na aktor.

Gerald Anderson at Julia Barretto – Lantaran na ang relasyon?

Nakasilip din ng pagkakataon sina Gerald Anderson at Julia Barretto para ipaglantaran na ang kanilang relasyon. Nagpalipas lang sila ng panahon para hindi sila bombahin sa social media.

Hindi sila puwedeng magtago sa lahat ng panahon, nakakapagod ang pagtatago, kaya kailangan na nilang lumantad.

Kung umamin na sila agad noon pa man ay napakadelikado ng kanilang magiging aksiyon lalo na para kay Julia. Lalabas kasi ang katotohanan na nagkasabay sila ni Bea Alonzo sa buhay ni Gerald.

Pumasok si Julia sa relasyon nang hindi pa naman naghihiwalay nang pormal sina Gerald at Bea. Natural, lalabas na manunulot si Julia, kaya kinailangan munang pahinugin nila ni Gerald ang kanilang relasyon bago sila umamin.

At hanggang ngayon ay wala pa rin naman silang diretsong inaamin na sila na nga. Mga larawan lang nilang palaging magkasama sa beach house ng hunk actor ang nagbubunyag na totoong sila na nga.

Hanggang ngayon kasi ay inuupakan pa rin sila sa social media, awang-awa ang mga netizens kay Bea na nagpakatotoo kay Gerald, pero ipinagpalit din sa ibang babae.

Hinintay rin siguro nina Julia at Gerald na may iba nang lalaking iniuugnay kay Bea, si Dominic Roque, na hanggang ngayo’y tagung-tago pa rin sa publiko kung mag-ano na nga ba sila?

Sabi pa ng isang basher, “Poor, Julia! Kung ano ang ginawa ni Gerald kay Bea, iyon din ang mangyayari sa kaniya! Magsisisi rin siya sa bandang huli!”

Buhay na buhay pa rin ang mga tagahanga nina Julia Barretto at Joshua Garcia, lalo na ngayong halos 20 milyon na ang views ng piyesang Paubaya ni Moira dela Torre na sila ang bumida sa MTV, sapul na sapul doon sina Julia at Gerald.

Si Joshua Garcia pa naman, napakagaling umarte, lalo na kapag may malalim na hugot ang aktor sa kaniyang mga sinasabi at ginagawa.

Sa totoo lang!

Rica Peralejo – Relasyon kay Piolo Pascual noon, pinagdududahan pa rin?

Minsan na nga lang umeksena ang matagal nang nagpapahingang aktres na si Rica Peralejo pero kinukuwestiyon pa ang kaniyang rebelasyon. Nagpakatotoo lang si Rica na nagkaroon sila ng relasyon ni Piolo Pascual pero pinagdududahan iyon.

Bakit nga ba hanggang ngayon ay kinukuwestiyon pa rin ang pakikipagrelasyon ni Piolo? Nagkakaedad na ang singer-actor at nag-eendorso na nga ng produktong nakapagpapagaling sa pananakit ng likod at mga kasu-kasuan pero iyon at iyon pa rin ang isyu tungkol sa kaniya.

Totoo naman ang rebelasyon ni Rica, tandang-tanda pa namin ang emosyon ng kaniyang inang si Mommy Alice habang magkarelasyon sila ni Piolo, maraming naninira sa aktres.

Sabi pa noon ng mommy ni Rica, “Ito namang si PJ (Piolo), inuupakan na nga si Rica, pero wala man lang ginagawa! Pinababayaan lang niya, nakakaawa naman ang anak ko!”

Kasagsagan kasi iyon ng tambalang Piolo-Judy Ann Santos, bantay-sarado sila ng kanilang mga tagahanga, sinumang lalaki o babaeng pumasok sa eksena ay ayaw ng mga ito.

Kahit naman si Ryan Agoncillo ay tinangka ring harangan ng mga Piolo-Juday fans, pero nanindigan ang aktres, hanggang sa ikasal na nga sila ni Ryan.

Tinangkang ilihim nina Piolo at Rica ang kanilang relasyon pero kalaunan ay marami ring nakapagpatotoo na sila nga.

Na hanggang ngayon ay ayaw paniwalaan ng mas nakararami, tsismis lang daw iyon, kaya kinukuwestiyon nila ang rebelasyon ni Rica Peralejo.

Ara Mina – Itinanggi ang 10,000 pesos per plate sa kasal

Mismong mga kaibigan na ni Ara Mina ang nagagalit ngayon sa kaniyang pagdedenay tungkol sa mga detalye ng kasal nila ni Dave Almarinez sa April 28 sa Baguio City.

ldinedenay ni Ara ang kuwento tungkol sa wedding ring na ibinigay sa kaniya ng negosyante, pati ang ten thousand per plate sa kanilang reception ay hindi raw totoo, ayon kay Ara Mina.

Dahil doon ay naguguluhan na tuloy ang kaniyang mga pinagkuwentuhan, ano ba ang totoo, nagyayabang lang ba ang aktres nang ikuwento ang mga detalye sa kasal nila ng milyonaryong lalaki?

Kuwento ng aming source, “Anong family heirloom lang ang ring, ipina-reset lang daw iyon ni Dave? Ilang tao na ang pinagkuwentuhan niya tungkol sa singsing, hindi na ba niya naaalala iyon, e, kabata-bata pa naman niya pa ra magkaroon siya ng dementia?

“From the start, e, wala naman siya ng sinabing minana lang ng family ni Dave ang singsing, wala siyang binabanggit na ganoon. Ang lagi lang niyang sinasabi, e, hindi niya alam kung saan binili ni Dave ang singsing. Yung ten thousand per head sa reception nila, kanino ba nanggaling iyon, kay Ara din naman, di ba?

Kaya ang mga pinagkuwentuhan niya, e, nagagalit ngayon!

“Ano raw ito? Nagdedenay si Ara, di parang pinalalabas niyang sinungaling pala ang mga pinagkuwentuhan niya? Kumambiyo si Ara dahil bina-bash sila ngayon ni Dave!

“Pandemya nga naman, pero ipinagmamalaki pa nila ang kagarbuhan ng kasalan nila! Kunsabagay, hindi na naman bago ang ginawa ni Ara, palagi naman siyang nagdedenay, di ba?” kuwento pa ng aming source.

Derek Ramsay at Ellen Adarna – Totohanan na ang relasyon?

Kung totoo mang may pagkakaunawaan na ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay wala namang masama. Libre nang maghanap ng ibang babae si Derek dahil tapos na ang relasyon nila ni Andrea Torres.

Ganoon din si Ellen, matagal nang natuldukan ang relasyon nil a ni John Lloyd Cruz, ang kanilang anak na lang na si Elias ang nag-uugnay sa kanila.

Pero sana, kapag nagkikita sina Derek at Ellen, ay hindi na isinasama pa ng sexy actress ang kanilang anak ni JLC. Napakamura pa ng edad ni Elias, hindi pa nito kayang unawain ang sitwasyon, masyadong maguguluhan ang bata.

Naghihiraman sila sa kanilang anak, may mga araw na nasa piling ng aktor ang bata, pagkatapos ay parang bola ng PBA na ibabalik na uli ito sa poder ng kaniyang ina.

Iyon lang muna ang kayang unawain ni Elias, na hiwalay man ang kaniyang mga magulang ay nakakasama nito ang kaniyang ama’t ina, hanggang doon pa lang ang kayang takbuhan ng murang isip ni Elias.

Napakaaga pa para magkaroon ng confusion si Elias. Kasama nito ang kaniyang tatay kahapon, kinabukasan ay sila naman ni Derek ang magkasama, dahil binibitbit nga si Elias ng kaniyang ina.

Madalas ipagmalaki ni Ellen Adarna na matalino raw si Elias, iba raw ang takbo ng isip ng anak nila ni John Lloyd, magandang kuwento iyon.

Pero may mas malalim na anggulo ng buhay ng bata na kailangang ingatan si Ellen. Hindi niya dapat ginugulo ang napakamurang isip ng kaniyang anak.

“Walang masama kung mayroon na siyang nakitang kapalit ni John Lloyd, but she should also give importance to her son’s emotion. Dahan-dahan lang dapat, confusion will eventually have an effect to her son’s very young mind.

“Hindi pa kayang intindihin ng bata ang ganoon, ang alam lang niya, e, may tatay siya, iyong third party, hindi pa iyon maga-grasp ng bata,” komento ng kaibigan naming child psychologist.

Yown!

Sharon Cuneta – Gustung-gusto nang magka-apo

Apo ang ayon kay Sharon Cuneta ay kukumpleto na sa kaniyang kaligayahan. Gustung-gusto na niyang magkaapo mula sa kaniyang mga anak na sina KC, Kakie, Miel at Miguel.

Siguro nga, dahil nasa kaniya na ang lahat-lahat ngayon ay tubo na lang sa kaniyang puhunan ang gustong magkaroon ang Megastar, lalo na’t wala nang bata na patakbu-takbo sa kanilang mansiyon.

Hindi siya nakikialam sa lovelife ni KC, basta mahal at nirerespeto ang kaniyang panganay ay hindi siya

kumokontra, naging kaibigan na nga nila ni Senator Kiko ang mga dating karelasyon ni KC.

“Naging magkaibigan kami ni Piolo, we just had to talk dahil sa mga naglabasang controversies ng break-up nila ng anak ko. Ang nakakatawa nga, naging magkaibigan kami, pero hindi sila ni KC!” pag-alala ni Mega.

Maging sa sikat na singer na si APL de Ap na tinututulan ng mas nakararami para maging karelasyon ng kaniyang anak ay wala ring problema kay Sharon.

“Kung sino ang magpapasaya sa anak ko, wala akong problema. iyong sa kanila ni APL, nilinaw sa akin ni KC na they’re just friends.

“Sa akin naman, basta mahal siya at nirerespeto, okey sa akin si APL! Ayaw ko pa ba naman iyon? Magkakaapo ako na kamukha ni Beyonce! tawa nang tawa niyang reaksiyon.

Mulat ang Megastar na iba na ang panahon ngayon kesa noong kaniyang kabataan. Maagang humiwalay sa kaniya si KC, nakadagdag pa ang pag-aaral nito sa ibang bansa, siya nga naman kung hindi pa sila nagpakasal ni Gabby Concepcion ay hindi pa makahihiwalay sa poder ng kaniyang mga magulang.

“But I miss my daughter. Nami-miss ko ang mga kuwentuhan namin. I hope she knows how much I miss and love her, emosyon ni Sharon Cuneta.

Willie Revillame – Tatlo na ang helicopter!

Padating na ang Robinson 66 five-seater chopper ni Willie Revillame. lkatlong helicopter na iyon ng aktor-TV host. ltong huli ang pinakamalaki at pinakabagong modelo ng chopper.

Sa pakikipagkaibigan ni Willie sa mga negosyante, unti-unti ay natututo na siyang pumili kung saan ilalagay ang kaniyang kinikita, ginagawa niyang puhunan ang kaniyang pinagpapaguran.

Sa susunod na taon ay eleksiyon na. Puwede niyang iparenta ang tatlong choppers niya. Maraming kumakandidatong naiinip sa mahabang biyahe by land, mas produktibo para sa kanila ang umupa ng sasakyang panghimpapawid, para marami silang marating sa kanilang pagkampanya.

Hindi pangporma lang ang mga ipinupundar ni Willi e, wala na siyang dapat pang patunayan, halos lahat ng brand ng sasakyan ay mayroon na siya. Wala na siyang pinapangarap pa.

Sabi ng isang kaibigan ni Willie, “Buti nga, natututo siyang magnegosyo. Maganda ‘yan para nakikita niya kung saan napupunta ang mga pinaghihirapan niya.

“Swak sa presidential election ang tatlong helicopter niya, maraming magre-rent, napakahalaga ng oras para sa mga politicians. Panalung-panalo si Willie,” sabi nito.

Pati ang ipinatatayo niyang high-end hotel sa Puerto Galera na nasa gitna ng tubig-dagat ay malaking negosyo rin. 7-star ang nasabing hotel, dadayuhin sigurado iyon ng mga turista, pati ng mayayaman nating kababayan.

Pero sa kabila ng lahat ay walang humpay pa ring tumutulong si Willie Revillame sa mga kababayan nating nangangailangan sa kaniyang programang Wowowin-TutokTo Win.

Napakaraming buhay ang binabago niya, binibigyan niya ng pag-asa ang mga kapuspalad na Pinoy lalo na ngayong panahon ng pandemya, kaya siya lalong pinagpapala.

Raffy Tulfo – May bagong show sa TV5

Oo nga naman. Hindi sukat akalain ng palabang news anchor na si Raffy Tulfo na dahil sa mga problemang inilalapit sa kaniya ng ating mga kababayan ay magkakaroon pala siya ng panibagong programa.

Sa araw-araw niyang pag-ere sa Wanted Sa Radyo sa 92.3 News FM ng Radyo Singko at sa kaniyang pang-umagang show na Raffy Tulfo: Idol In Action ay iba-ibang klase ng problema ang idinudulog sa kaniya ng mga Pinoy at maging ng mga banyaga.

“Napakinggan ko na ang halos lahat ng problema ng mga kababayan natin. Lalaking kinaliwa ng asawa, OFW na padala nang padala ng sustento sa pamilya niya dito, pero ipinambababae lang pala ng mister niya!

“Panghahalay sa anak ng mismong ama na kahindik-hindik para sa akin, pag-uuwi ng lalaki sa bahay ng misis habang nagpapakamatay sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang mister niya!

“Lahat ng mga problema, e, naglabas-masok na sa tenga ko, nakapagmumura pa nga ako sa sobrang galit, lalo na kapag menor de edad ang nabibiktima!” kuwento ng matagumpay na news anchor.

Dahil sa mga ganoong problema ay nagkaideya ang TV5, bakit hindi nila isadula ang mga nagaganap sa buhay ng mga kababayan natin, kaya ipinanganak ang Wanted: Ang Serye.

“In and out lang ako sa programa, ako ang nagtatahi sa kuwento, isinasama rin namin ang actual video ng reklamo nila. Maganda ang programa, punumpuno ng leksiyon,” sabi uli ni Kuya Raffy.

Wala na siyang libreng araw ngayon sa buong linggo dahil sa tatlong programang pang-araw-araw niyang ihino-host. Pero may itinitira siyang dalawang araw na para lang sa kanilang pamilya.

“Every Sunday, doon kami sa bahay ng mommy ko, hindi puwedeng mahinto iyon, nagkikita-kita kaming magkakapatid doon.

“Ang Sabado naman, amin lang iyon ng family ko. Puwedeng lumabas kami at puwede namang sa bahay lang ang bonding namin. Pareho kami ni Jocelyn (kinatawan ng Party List), walang makaaagaw sa Saturday at Sunday namin,” masayang kuwento pa ng palabang news anchor. – CSF