
Opinions
![]() |
Nobyembre 1 - 15, 2011 |
![]() |
||
John Lloyd Cruz & Shaina Magdayao |
||
![]() |
||
Ruffa Gutierrez |
||
![]() |
||
Claudine Barretto |
||
![]() |
||
Mariel Rodriguez |
||
![]() |
||
Lovi Poe |
||
![]() |
||
Charice |
||
![]() |
||
Vice Ganda |
Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin ang isyu sa pagitan nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao. Sobra ang insecurity ng young actress sa ex ng kaniyang karelasyong si John Lloyd Cruz, kaya pailalim kung atakihin ni Shaina ang actress-beauty queen.
“Ang tagal-tagal na naming wala ni JLC, ano ba? Bakit pa niya ako ginugulo. What’s the problem ba talaga? I don’t make them gulo naman, pero the girl is bugging me pa rin!” naiinis na pahayag ni Ruffa habang nagkukuwentuhan kami sa set ng Paparazzi Showbiz Exposed.
Walang malulusutan si Shaina. Private number ni JLC ang ginamit niya sa panggigigil kay Ruffa, kaya agad namang humingi ng paumanhin si John Lloyd sa kaniyang dating karelasyon.
May sinabi pa raw si JLC na, “This will be the last time,” kaya lalong uminit ang issue. Ibig bang sabihin ng sikat at magaling na aktor ay makikipaghiwalay na ito kay Shaina?
Iyon nga ang napabalita – hiniwalayan na raw ni JLC ang young actress, pero hindi pa nag-iinit ang kuwento ay sumunod agad ang balitang nagkabalikan na sila.
Inisip agad ng mas nakararami na siguro’y nangako si Shaina na hinding-hindi na uli mauulit pa ang panggugulo niya sa nananahimik na si Ruffa, dahil kapag ginawa pa niya uli iyon ay hihiwalayan na siya ni John Lloyd, kaya nagkabalikan sila.
Kapag ganito nang ganito ang magiging situwasyon ay hindi na nakapagtataka kung isang araw ay matuluyan na ngang masira ang isang relasyon na ipinangako pa naman nila noon na seryosohan at iingatan nilang pareho para hindi masira.
Ang nagagawa nga naman ng selos at pagka-insecure.
Masalimuot ang situwasyon ngayon sa pagitan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto na matagal nang napapabalitang hiwalay na. Balita lang, dahil kapag tinatanong naman sila ay tigas ang kanilang pagtanggi. Maayos na maayos pa rin daw ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Kung anu-anong hindi kagandahang istorya ang ikinakabit sa pangalan ni Claudine, pero walang makapagkumpirma, dahil pareho sila ni Raymart na sumasangga sa mga isyu.
Pero ano ito, kamakailan lang ay nakita si Claudine sa isang bangko na umiiyak, kasama ang kaniyang abogado, dahil nawawala raw ang limang milyong pisong deposito nila ni Raymart sa nasabing bangko.
Natural, dahil and/or ang pinasok nilang transaksiyon sa bangko nang magbukas sila ng account, ang iisipin ng marami na naglabas ng halagang hinahanap ni Claudine ay si Raymart.
Kapag tungkol na sa usapin ng bangko ang paksa ay humihingi na kami ng saklolo sa aming kapatid, si Dikong Nildo, na ilang dekadang naging manager ng Pilipinas Bank.
Paano nga ba tumatakbo ang proseso ng paglalabas ng deposito-pera sa ilalim ng and/or na transaksiyon? Paano rin kapag and lang ang pinagkasunduang transaksiyon ng bangko at ng kanilang kliyente?
Ang paliwanag ng aming nakatatandang kapatid, “Kapag and/or, parehong puwedeng mag-withdraw ang kahit sino sa kanila nang hindi na kailangan pang konsultahin ng bank ang ka-and/or ng naglalabas ng pera.
“Kapag and naman, kailangang pareho silang nakapirma sa withdrawal slip kung savings account iyon o sa cheque, kung chequing account ang binuksan nila. Hindi puwedeng mag-withdraw ang isa lang sa kanila, kailangang pareho silang nakapirma sa withdrawal slip.
“Kung malaki ang amount na wini-withdraw or unusual ang amount, the department calls the other signatory for the confirmation of the withdrawal. Ganoon ang proseso kapag and ang transaction,” paliwanag ni Dikong Nildo.
Ang tanong ngayon, sino ang naglabas ng depositing limang milyong piso ni Claudine? Sino ba ang ka-and/or niya sa Union Bank? Si Raymart Santiago ba? O ibang tao?
Kahit hindi pa diretsong tinutukoy ni Claudine kung sino ang kaniyang co-signatory sa bangko ay nahuhusgahan na nang walang kalaban-laban si Raymart Santiago dahil silang mag-asawa lang naman ang iniisip-inaasahan ng mas nakararami na magka-and/or sa kanilang deposito sa bangko.
Bubot pa ang kontrobersiyang ito, marami pang magaganap sa mga darating na araw. Wala tayong ibang pamimilian kundi ang tutukan na lang ang teleseryeng ito sa totoong buhay.
Nagmarka sa manonood ang binitiwang pahayag ni Robin Padilla sa Wil Time, Bigtime na ngayong nasa poder na uli ni Willie Revillame ang kaniyang misis na si Mariel Rodriguez ay hindi na niya ito makikitang umiiyak, nagkukulong sa kuwarto at nagpapahanap pa ng psychiatrist tuwing umuuwi sa kanilang bahay pagkatapos mag-host sa pinanggalingan nitong noontime show.
Nakakaalarma ang mga ganoong salita. Kahit sino ay magtataka-magtatanong kung ano ang dahilan ng depresyon ni Mariel. Hindi ganoong kasimple ang binitiwang pahayag ng action star.
Ang unang pumasok sa isip ng marami ay ang hindi nila pagkakaunawaan ni Toni Gonzaga. Pero maagap namang nagpaliwanag si Mariel na hindi si Toni ang dahilan, dahil hanggang ngayon ay maayos pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
“Kahit ano pa ang sabihin ng iba, kahit pa pag-awayin nila kami ni Toni, the truth remains na magkaibigan kami at siya ang pinakamatagal kong kaibigan sa showbiz,” madiing komento ng magandang misis ni Robin.
Nagkaroon kami ng oportunidad na maka-one-on-one si Lovi Poe sa CBC, ang aming segment sa Paparazzi Showbiz Exposed, sa tulong nina Mother Lily Monteverde at ng manager ng young actress na si Leo Dominguez.
Makabuluhan ang naging takbo ng aming kuwentuhan ni Lovi. Nagkuwento siya tungkol sa kaniyang namayapang ama na si Fernando Poe, Jr., sa muling pagkabuo ng relasyon nilang mag-ina, tungkol sa kalagayan ng relasyon nila ngayon ni dating Congressman Ronald Singson na nakapiit sa Hong Kong, pati na rin sa kaniyang pamumuhay nang mag-isa lang ngayon.
Hindi nababakante sa trabaho ngayon si Lovi dahil kitang-kita naman ang husay niya sa pagganap. Wala ring problema sa kaniya ang produksiyon dahil propesyonal siya, maligaya sa kaniyang ginagawa ang dalaga.
Sa isang bahagi ng aming panayam ay tinanong namin si Lovi Poe tungkol sa malaking halagang nakuha niya nang mamayapa ang kaniyang ama. Si Manang Inday (Susan Roces) ang mismong kumilala-rumespeto sa kaniyang pagiging anak ni Da King. Abangan natin ang kaniyang makabuluhang sagot sa aspetong iyon.
Naging diskusyon namin kamakailan sa radyo ang isyu tungkol sa kung sino ang nararapat handugan ng titulong Total Entertainer of The Year ng Aliw Awardsngayong darating na November 8.
Dalawa lang ang naglalaban - sina Charice Pempengco at Vice Ganda. May iba-ibang panlasa at basehan ang mga hurado ng Aliw Awards sa pamimili kung sino ang kanilang pararangalan sa prestihiyosong parangal, pero dahil opinyon namin ang hinihingi, natural lamang na magbigay kami ng sarili naming opinyon.
Ang Aliw Awards ay binuo para parangalan ang magagaling nating singers, performers at mga recording artists na mayroon nang napatunayan sa kani-kanilang larangan.
Kay Vice Ganda kami. Humahanga kami sa kakayahan ni Charice dahil hindi lahat ng mga kaedad nito ay magkakaroon ng lakas ng loob na makipagsabayan sa mga sikat na international performers, ang dahilan kung bakit napansin ito nina Oprah Winfrey at David Foster. Isang malaking karangalan na maituturing ng ating bayan si Charice.
Pero ang kaniyang singing career ay mas tumutok sa ibang bansa. Mas pinili ng dalaga na aliwin at ipakita ang kaniyang kapasidad sa pagkanta sa mga banyaga.
Si Vice Ganda ay ipinanganak sa mga comedy bar. Unang nasilip ng ating mga kababayan ang galing niya sa pagkanta, pagho-host at pagpapaligaya sa ating mga kababayan sa isang maliit na entablado lamang.
Pero ang maliit na entablado ay lumaki at lumawak. Pinagkatiwalaan siyang mag-host ng isang programang tunay namang nakakaaliw dahil sa kaniyang mga atake, hanggang sa magbida na rin siya sa pelikula.
Pinilahan sa takilya ang kaniyang pagbibida. Kumita nang higit pa sa inaasahan ang kaniyang pelikula, hanggang sa punuin niya nang ilang beses ang napakalaking Smart Araneta Coliseum.
At mga kababayan natin ang kaniyang pinaliligaya, hindi ang mga banyaga. Mas pinili niyang ipakita ang kaniyang talento sa sarili niyang bayan dahil Pilipino siya.
Hahaba pa nang hahaba ang argumento, pero isa lang ang masasabi namin, si Vice Ganda ang karapat-dapat putungan ng korona bilang Total Entertainer of The Year ng Aliw Awards.
Para sa mga karagdagang hot na hot at maiintrigang showbiz chika, panoorin n’yo kami sa Juicy araw araw at Paparazzi tuwing linggo. Mapapanood n’yo kami at ang iba pang shows ng TV5 Kapatid Network tulad ng Willing Willie sa www.kapams.tk, www.pinoychannel.tv, www.kapatid.tk at www.dapekenoypi.tk |