
Opinions
![]() |
Enero 16 - 31, 2012 |
![]() |
||
Sharon Cuneta |
||
![]() |
||
LornaTolentino |
||
![]() |
||
Jinkee Pacquiao - noon at ngayon |
||
![]() |
||
Vice Ganda |
||
![]() |
||
Ai Ai delas Alas |
||
![]() |
||
Janelle Manahan |
||
![]() |
||
Pauleen Luna |
||
![]() |
||
Vic Sotto |
||
![]() |
||
Glady Reyes |
||
![]() |
||
Mora Aunor |
Natural lang na kapag nagpapalit ang taon ay mabentang-mabenta sa mga interbyu ang mga psychic, feng shui expert at ang mga manghuhula. Ang Chinese New Year naman ang ating sasalubungin sa January 23rd sa pagpasok ng Year of the Water Dragon.
Matagal naming nakasama sa Juicy ang numerologist-psychic na si Maricel Gaskell. Sa haba ng panahong iyon ay napansin namin na hindi siya gaanong bumabangko sa mga negatibong pangyayari, palaging paalala lang ang sa kaniya, mas sumesentro siya sa pagbabasa ng kumbinasyon ng mga numero ng kaniyang mga kliyente.
Hiningi namin kay Maricel ang kaniyang pananaw tungkol sa maraming personalidad na nasa bakuran ng TV5, ano-ano ba ang nababasa niya sa magiging kinabukasan ng mga artistang ito sa buong taong 2012 na taon ng Water Dragon, at narito ang kaniyang pananaw.
Sharon Cuneta (January 6, 1966, wood snake). Very good ang career, pero dapat iwasan ang anumang partnership sa business dahil magkakaroon ito ng mga arguments at betrayals.
Alex Gonzaga (January 16, 1988, fire rabbit). Ingatan niya ang kaniyang relasyon sa mga tao at alagaan niya ang kaniyang katawan para makaiwas sa mga body ailments. Weak ang kaniyang element (fire) ngayong taon dahil this is a Water Dragon year. Maraming opportunities na darating sa kaniya pero, lagi itong magkakaroon ng isyu sa ibang tao.
Willie Revillame (Januray 27, 1961, metal ox). Hindi gaanong suwerte ang mga taong ipinanganak sa Year of The Ox this year. Constructive ang cycle ng kaniyang element (metal) sa Water Dragon sa taong ito. Dapat maging low key siya sa pagsasalita. Magiging maganda rin ang kaniyang career sa taong ito. Halos ganito rin ang taon para kay Lorna Tolentino.
Paolo Bediones (March 17, 1974, wood tiger). Magiging smooth ang career. The more na maging mobile siya, the more na magiging masuwerte, pero weak ang lovelife niya sa taong ito.
Richard Gomez (April 7, 1966, fire horse). Ang fire at water ay destructive kaya magiging hardworking year ito para sa kaniya. Endure and he will succeed. He should also handle everything by himself.
Vic Sotto (April 28, 1954, wood horse) Constructive ang element niya this year. Maraming tutulong sa kaniya. Marami pa siyang ambisyon at magkakaroon siya ng malalaking plano sa taong ito.
Nora Aunor (May 21, 1953 water snake). Healthy para sa kaniya ang taong ito at magkakaroon siya ng maraming biyahe. Maraming tutulong sa kaniya pati na sa kaniyang male friend. Mas makabubuti sa trabaho kung madalas siyang gumagalaw.
Gelli de Belen (May 25, 1973, water ox). Hindi masyadong maganda ang taong ito. Pareho sila ni Richard Gomez na #7. Marami naman ang tutulong sa kaniya, pero dapat siyang mag-ingat sa kontrobersiya. Magiging hot item siya sa mga reporters.
Aga Muhlach (August 12, 1969, earth rooster). Makatutulong kung palagi siyang magsuot ng mga kulay purple, yellow, orange at sky blue.
Edu Manzano (September 14, 1955, wood sheep). Bantayan niya ang kaniyang kalusugan. Huwag maging exhausted. Dapat din siyang maging more open minded.
Joey de Leon (October 14, 1946, fire dog). Makabubuti ang pagta-travel. Masuwerte siya sa taong ito because of his birth year.
Lucy Torres-Gomez (December 11, 1974, wood tiger). May pagka-psychic siya. The more mobile she is, the more money will come,” paalala ni Maricel Gaskell.
Paulit-ulit ang paalala ni Maricel Gaskell na ang mga kumbinasyon ng mga numero ay maaaring kontrahin sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kulay na hindi nararapat para sa Year of The Dragon.
At lagi rin niyang sinasabi, ang magandang kapalaran ay kailangang kinakambalan ng pagsisikap at pagtatrabaho, para maging makatotohanan.
Ang isa pang masusing kinakalampag ngayon ay ang diumano’y niretokeng hitsura ni Jinkee Pacquiao sa pabalat ng isang magazine. Ibang-iba na kasi ang kaniyang mukha ngayon kumpara noon, sopistikada na raw talaga si Jinkee, hinating hitsura nina Gretchen Barretto at Glydel Mercado ang ihinahambing sa kaniyang dating ngayon.
Pero kung susumahin ay walang ipinagbago ang kaniyang hitsura ngayon sa nakita namin noong makapanayam namin siya para sa Belo Medical Group na ineendorso niya. Nailawan lang ang kaniyang hitsura sa pictorial, pero halos dikit pa rin iyon kung tutuusin.
At kung sakali mang marami nang ipinagbago sa kaniyang mukha si Jinkee Pacquiao ay karapatan niya iyon, pera niya naman ang ginagastos niya. Kung ang iba ngang mga kababaihang nagpaparetoke ay ipinangungutang pa ang kanilang pagpapaganda ay si Jinkee pa ba naman ang magtitipid?
Kahit daang beses pa siyang magparetoke ay kayang-kaya niya. Umaapaw sa kapunuan ang kaban ng yaman nila ni Pacman, kaya kung saan man niya gustong gastusin iyon ay hindi na natin dapat pang saklawan.
Huwag lang sanang sosobra para makilala pa rin siya nina Congressman Manny at ng kanilang mga anak.
Nakita sa airport ng aming source si Jinkee Pacquiao, okey raw naman ang hitsura ng misis ng Pambansang Kamao, hindi raw naman halatadong produkto siya ng salamat po, doktor.
“Maganda naman siya, although of course, alam mo namang hindi siya ganiyan kaganda dati. Kahit naka-shades pa siya nang pagkalaki-laki, eh, malalaman mong gumanda siya.
“Saka napansin ko lang, hindi siya suplada, mahiyain lang siya. Hindi pa siguro siya nasasanay sa bagong takbo ng buhay niya. Saka hindi siya iyong tipong power tripper.
“Mayroon din siyang dala-dalang bagahe niya bukod sa nagmumura niyang Hermes bag, hindi nakukuba ang mga kasama niya sa pagdadala ng mga luggage niya.
“Ang layu-layo niya naman kay ____(pangalan ng isang sikat na aktres-TV host) na ang dala-dala lang, eh, ang maliit niyang branded bag, ang mga alipores na niya ang humihila sa sangkatutak niyang bagahe.
“Si Jinkee, may hila-hila ring mga bagahe, nakikipagtulungan siya sa kasama niya, saka nadagdagan na ang PR niya ngayon dahil palangiti na siya kapag may mga bumabati sa kaniya,” pagkukumpara pang komento ng aming impormante.
Sa totoo lang, kahit magbilangan pa ngayon ng mga kakampi sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda dahil sa kontrobersiya sa pagitan nila ay hindi na kailangan pang itanong kung sino ang mas papanigan sa kanila ng ating mga kababayan, uuwing luhaan si Vice Ganda.
Malaki ang pagkakaiba ng dalawang komedyanang ito. Sa tagal na ng panahon ng pamamayagpag ni Ai-Ai bilang Comedy Concert Queen at de-primerang aktres na pinipilahan sa takilya ang pelikula ay maganda ang kaniyang imahe. Wala siyang pinagbidahang kuwento ng kamalditahan at kayabangan kahit kailan.
Kabaligtaran naman iyon ni Vice Ganda na noong una pa lang ay inaayawan na ng marami dahil sa kaniyang kaprangkahan, kadiretsuhang magbitiw ng mga salita na mas madalas kaysa hindi ay kayabangan ang interpretasyon ng mas nakararami. Maangas ang dating ni Vice Ganda.
Hindi ito mabilis kagaanan ng loob. Hindi tulad ni Ai-Ai na sa unang pagkakita mo pa lang sa kaniya ay mamahalin mo na ang komedyana, gaanin ng kalooban ang matagumpay na aktres-komedyante.
Kaya sa nangyayaring intriga sa pagitan nila ngayon ay hindi natin masasabing hati ang emosyon ng ating mga kababayan. Nakalalamang si Ai-Ai kung kampihan ang magiging barometro ng labanan. Marami kasing naiinis at nayayabangan kay Vice Ganda.
Wala namang masama sa pagiging prangka, pero mayroong nialalapatang tamang panahon ang pagiging diretsong magsalita, parang pagkokomedya rin iyon na may tamang tayming para kagatin ng publiko.
Sabi ng isang kaibigan naming matagal nang naiirita kay Vice Ganda, “Hindi ko nagustuhan kahit kailan ang baklang iyon! Minsan ko na kasing napanood ang brand of comedy niya sa isang comedy bar and after that, hindi ko na siya nagustuhan!”
Maaaring popularidad na nga niya ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagpuna ngayon kay Vice Ganda, pero kung ganoon nga, ay hindi pa rin siya magiging masaya dahil nega ang pagtanggap ng marami nating kababayan tungkol sa pagbabato niya ng komedya.
Mayabang si Vice Ganda, iyon ang unang paghusga. Tanggap naman iyon ng komedyante, totoo naman kasing mayroon siyang kaangasan, kaya hindi na bago para sa mas nakararami ang nasabing akusasyon.
Taklesa si Vice Ganda, pangalawang pagpuna. Lalong hindi na bago ang akusasyon, dati na naman kasi siyang taklesa, mas lumutang lang iyon ngayon dahil ang kasa-kasama niya ay si Kris Aquino na reyna sa larangang iyon.
Walang utang na loob si Vice Ganda, ikatlong pagpuna. Iyon ang mas ikinakapit na negatibong bintang sa kaniya ngayon dahil sa pag-alis niya sa poder ng kaniyang dating manager na si Ogie Diaz.
Malaki ang milagrong nagawa ni Ogie Diaz para kay Vice Ganda na dati’y nagkokomedya lang sa mga comedy bars. Si Ogie ang humawan ng daan para sa kaniya sa mundo ng telebisyon at pelikula, pero ganoon naman talaga ang kinahihinatnan ng ganoong klase ng samahan.
Sabi nga, kapag lumalaki na ang pangalan ng personalidad ay nagkakaroon na sila ng sakit na amnesia. Nakakalimutan na nila ang nakaraan na dapat nilang alagaan at tanawan ng utang na loob.
Kailangan nang magbilang ngayon ni Vice Ganda ng mga positibo at negatibong kuwentong naglalabasan tungkol sa kaniya. Kapag mas nakalalamang na ang mga hindi kagandahan ay senyal na iyon sa kaniya. Kailangan na niyang mag-ingat at magbago, dahil baka malapit na ang kangkungan na pagbabagsakan sa kaniya.
Sa wakas, pagkatapos nang mahigit na dalawang buwan, ay nadalaw na rin ni Janelle Manahan ang puntod ng yumao niyang boyfriend na si Ramgen Revilla.
Noong huli naming mainterbyu si Janelle ay isa iyon sa mga ikinaiiyak niya. Hindi pa raw niya nasisilip man lang ang puntod ni Ramgen. Mahirap daw kasi ang situwasyon, gustong-gusto na raw niyang makita ang libingan ng aktor.
Noong nakaraang Sabado (Jan. 7), sa wakas, ay nakadalaw na rin siya sa puntod ng kaniyang boyfriend. Hindi man siya naririnig ng aktor ay alam niya, makahihingi siya ng tulong sa kaniyang boyfriend para sa maagang pagkalutas ng kasong ihinahanap nila ng katarungan ngayon, ganoon ang pag-asa ni Janelle.
Ang sex video naman nila ni Ramgen na kalat na kalat na ngayon ay sobrang ikinalungkot ng dalaga ang paglabas, pero nandiyan na nga naman iyon. Pinagpipistahan na ng ating mga kababayan ang palabas at hanggang sa pag-iyak na lang ang magagawa niya.
Kuwento ni Mommy Ayong, dakilang ina ni Janelle, “Mas tumapang pa si Janelle ngayon. Mas naiisip niya na kailangan niyang magpakatatag, dahil talagang winawasak siya ng ibang tao para umurong na siya sa laban.
“Nasasaktan si Janelle, pero kinakaya niya ang lahat, she’s after the justice she can get dahil nga sa nangyari sa kanila ni Ramgen. They can say anything they want, pero hindi maduduwag ang anak ko sa hustisyang hinihingi niya for her and specially for Ramgen,” kuwento ng kaniyang magandang mommy.
Hindi parehas para kay Pauleen Luna ang kuwentong kumakalat na pera ni Vic Sotto ang ginagastos niya sa pagpapatayo ng kaniyang bahay sa Tierra Pura Subdivision ngayon.
Isang malaking insulto iyon para sa pamilya ni Pauleen na nakaririwasa sa buhay. Sinasang-ayunan namin ang pinalabas na pahayag ng kaniyang inang si Mommy Chat na ang kinikita ng kaniyang anak ay nakalagak lang sa bangko. Hindi si Pauleen ang bumubuhay sa kanilang pamilya.
Tubong-Valenzuela ang pamilya ng ama ni Pauleen na si Eugene. Ang magkakapatid na Dondi at Eugene nang mag-asawa ay niregaluhan na agad ng kanilang mga magulang ng kani-kaniyang bahay, sa Tierra Pura rin iyon, kung saan lumaki si Pauleen at ang kaniyang kapatid.
May nagbenta ng lote sa pamilya, 700 square meters ang sukat noon sa Tierra Pura rin, kay Pauleen nanggaling ang ideya na gusto niyang magpatayo ng bahay na may swimming pool.
“Si Mommy Chat ang namamahala sa savings ni Pauleen, nagpatayo sila ng five-unit townhouse, nabenta nang lahat iyon, milyong ang tinubo doon ng pera ni Pauleen,” kuwento ng aming source.
May gasolinahan din sa Valenzuela ang pamilya ni Pauleen.
Isa pang istoryang pinagpipistahan ngayon ay ang pag-absent ni Pauleen Luna sa Eat…Bulaga, ang kuwento namang lumutang, nagdadalantao na ngayon ang batang aktres-TV host at si Bossing Vic daw ang ama.
Ang totoo ay bagsak sa flu si Pauleen dahil sa sobrang lamig sa Hong Kong kung saan sila nagpalipas ng Kapaskuhan ng kanilang pamilya. Ayaw pa siyang payagang magtrabaho ng kaniyang mga doctor. Pahinga ang kailangan niya, para mabilis siyang makabawi ng lakas.
Dumalaw na sa kaniya si Vic Sotto, hindi iyon maitatago dahil nakita ng kanilang mga kapitbahay ang sikat na aktor-TV host nang dumalaw sa dalaga. Nasundan pa uli iyon ng minsang pagdalaw at ayon sa aming impormante ay babalik na sa Eat…Bulaga sa Sabado si Pauleen.
Walang ipinagbago ang hubog ng kaniyang katawan, pumayat lang siya nang kaunti dahil sa pagkakasakit, pero hindi siya nagdadalantao na tulad ng napapabalita.
Nakapaglabas na si Gladys Reyes ng kaniyang emosyon sa Juicy noong isang gabi. Ngayon ay wala na siyang bitbit na emosyon tungkol sa hindi pagsipot ni Nora Aunor sa programa niyang Moments sa Net 25.
Napaiyak si Gladys dahil sa sobrang pagkaawa sa mga tagahanga ni Nora na matiyagang naghintay sa kanilang idolo. Naawa rin ang aktres sa kaniyang staff na hindi nagbakasyon bago nag-Bagong Taon dahil sa pag-iipon ng mga materyales na VTR bilang unang sultada sana ng Moments sa pagpapakilala sa Superstar.
Dumating ang araw ng taping, handang-handa na ang buong production staff ng Moments, nagdatingan na rin ang mga tagahanga ni Nora Aunor na nanggaling pa sa iba’t ibang malalayong probinsiya.
Walang Nora Aunor na dumating. Ang dahilan, inatake raw ito ng asthma ayon sa kasama-sama nitong si Boy Palma, hindi raw kayang tumayo at hirap huminga.
Nanlamig ang buong katawan ni Gladys Reyes, kumirot ang kaniyang tagiliran dahil sa malalim na stress, “Para lang po matuloy, puwede naming dalhin sa inyo ang mga camera namin, kami na po ang pupunta d’yan kay Ate Guy.”
Huwag na raw. Hindi raw kayang humarap sa mga camera ni Nora dahil sa matinding hika. Nagpunta si Gladys Reyes sa isang sulok ng studio, pahagulgol na naglabas ng kaniyang sentimyento, dala iyon nang matindi niyang awa sa kaniyang staff na nagpakahirap at sa mga Noranian na matiyagang naghintay sa kanilang idolo.
Sa Juicy ay itinawid ni Gladys Reyes ang mula sa puso niyang pasasalamat sa malalaking personalidad na hindi nagdamot ng panahon noong imbitahan niyang maging panauhin sa Moments.
Governor Vilma Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Maricel Soriano, Susan Roces, Grace Poe-Llamanzares, Ai-Ai delas Alas, Lea Salonga, Robin Padilla, Vic Sotto at Imelda Romualdez Marcos.
Isa-isa rin niyang pinasalamatan ang mga institusyong nagbigay ng parangal sa Moments, tulad ng Star Awards, Anak TV, DepEd Lingkod TV Awards at ang matinding suportang ibinibigay sa kaniyang programa ng ating mga kababayan, lalo na ang kaniyang mga kapatiran sa INC.
Iyon ang Moments. Iyon ang programang hindi nasipot ni Nora Aunor dahil daw sa kaniyang asthma.
Para sa mga karagdagang hot na hot at maiintrigang showbiz chika, panoorin n’yo kami sa Juicy araw araw at Paparazzi tuwing linggo. Mapapanood n’yo kami at ang iba pang shows ng TV5 Kapatid Network tulad ng Willing Willie sa www.kapams.tk, www.pinoychannel.tv, www.kapatid.tk at www.dapekenoypi.tk |