Published on

Juicy’s Top 10 Juiciest Couples of 2011

 
 
 
Kim Chiu & Xian Lim
 
 
Gerald Anderson & Sarah Geronimo
 
 
Angel Locsin & Phil Younghusband
 
 
Bea Alonzo & Zanjo Marudo
 
 
Vic Sotto & Pauleen Luna
10 Jana Dominguez and Mickey Ablan

Nagsimula ang kanilang love affair nang magtapos ang relasyon ni Mickey kay Iwa Moto. Kaya naman kahit inaway-away ni Iwa si Jana noon sa Twitter ay tila walang takot itong ating Fear Factor contestant na si Jana dahil patuloy pa rin ito sa pakikipagdate kay Mickey at ngayon ay getting stronger ang relasyon ng dalawa. Winner talaga itong ating couple No. 10 dahil masaya pa rin sila sa piling ng isa’t isa against all odds. Ayon sa balita, ay kay Iwa lahat nanggaling ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Mickey.

9. Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Exclusively dating daw ang current status ng dalawang batang Kapuso stars, na si Aljur mismo ang kumumpirma sa katatapos lang na 97th anniversary ng movie industry na ginanap sa CCP. Balitang para hindi na itago ng dalawa ang kanilang relasyon ay binibigyan sila ni Robin Padilla, ang ama ni Kylie, ng tatlong oras kada araw para hindi na sila “patago” pag nagkikita at nag-kakausap.

8. Konsehal Shalani Soledad at Kongresman Roman Romulo

Maraming nagsasabing bagay silang dalawa. Kung inyong natatandaan, si Shalani ay naging kasintahan ni Pangulong Noynoy Aquino at matapos ang panunumpa ni Noynoy bilang pangulo ay bigla na lang nagkahiwalay and dalawa. Sa ngayon ay masayang masaya si Konsehal Shalani sa piling ni Kongresman Roman Romulo at nakatakda na ang kanilang kasal sa January 23, 2012. Our Best Wshes and Congratulations to both of you.

7. Kim Chiu at Xian Lim

After her break-up with Gerald Anderson, ay lie low muna itong si Kim Chiu sa kaniyang love life. Pero, mukhang maiiba ang ihip ng hangin dahil nag-iingay ang mga taghanga nila ng baguhang si Xian Lim at suportado nila ang kanilang love team. In fact, nagcompose pa ng kanta itong si Xian para kay Kim. Sabi ng iba ay mukhang “hard sell” daw ito dahil may teleseye ang dalawa. Malalaman natin ito, kung after ng kanilang teleserye ay sila pa ring dalawa. Abangan.

6. Matteo Guidicelli at Maja Salvador

Umamin na rin sa wakas ang dalawa matapos ang insidenteng nangyari sa isang hotel nang magsuntukan itong sina Coco Martin at Matteo Guidicelli. Dahil doon ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan itong sina Maja Salvador at Coco Martin. Pero noong nandito sila sa Canada ay balitang nagkabati na ang dalawa. Subali’t sa kasalukuyan, may balitang hiwalay na rin sina Maja at Matteo. Too bad.

5. Sarah Geronimo at Gerald Anderson

Love is sweeter the second time around. Kaya naman sa muling pagsasama ng dalawa ay naging very sweet ang couple sa pagpopromote ng kanilang pelikula. Very obvious na kilig na kilig si Sarah kay Gerald at very open naman itong si Gerald sa pagsasabing posibleng mapunta sa ibang level ang kanilang closeness. Pero may balitang si Jessy Mendiola ang type ni Gerald. Sabi ng marami na tipong “hard sell” din itong love team nina Sarah at Gerald dahil sa kanilang movie. Kawawang Sarah.

4. Jennylyn Mercado at Luis Manzano

Parehong heartbroken ang couple na ito kaya naman maraming natuwa noong umamin na sila sa kanilang tunay na relasyon. Isa si Gov. Vi, ang ina ni Luis, sa unang natuwa sa balitang ito. Sa katunayan, sa isang event sa Batangas ay ipinakilala ni Gov. Vi si Jennylyn as girlfriend ni Luis. Nagkilala ang dalawa sa isang gym nang nag-enroll sila ng mixed martial arts.

3. Angel Locsin at Phil Younghusband

Ang sexiest couple of 2011 ay puwede ring tawaging happiest couple dahil sa tuwing kakapanayamin ang dalawa ay lagi nilang sinasabing “we’re happy.” Finally ay umamin na rin ang dalawa na they are exclusively dating. At hindi lang sa puso ni Phil nakatatak ang pangalan ni Angel, kundi, ultimong sa sapatos nito ay nakatatak ang pangan ni Angel. Nung namatay ang nanay ni Phil, ay kitang kita ang pagmamahalan ng dalawa dahil si Angel mismo ang tumulong sa pag-aasikaso sa lahat. At marami ang nagsasabing bagay na bagay sila.

2. Bea Alonzo at Zanjo Marudo

Tahimik ang kanilang respective careers pero bongga ang kanilang love life. Aminado sila na masaya sila sa kanilang relasyon. Medyo masalimuot ito nung umpisa, si Zanjo ay kahihiwalay lang noon kay Mariel Rodriguez na ngayon ay nagpakasal na kay Robin Padilla. Si Bea naman, bukod sa paiba ibang kuwento ng kasarian na pinanggalingan niya, heto naman at karelasyon na si Zanjo. Nitong nakaraang Pasko ay sa New York nagbakasyon ang magkasintahan dahil ang pamilya ni Zanjo ay sa New York naninirahan at ito na rin ang pagkakataon na ipakilala ni Zanjo si Bea sa kaniyang pamilya.

1. Vic Sotto at Pauleen Luna

Hindi man kumpirmado ang kanilang relasyon dahil sa parehong nananahimik sina Vic at Pauleen. Patuloy pa rin ang balitang lumalabas sa kanilang di umano’y relasyon. Kaya naman bilang respeto sa kanila, ay i-wish na lang natin sila na maging happy sila sa kanilang love life kahit sino pa man ang nagmamay-ari ng kanilang puso. Balitang personal na nagpunta si Vic sa bahay nina Pauleen upang ipagpaalam nito ang tunay na layunin niya kay Pauleen.