Published on

 
 
Anne Curtis
 
 
KC Concepcion
 
 
Nora Aunor

Showbiz Extra

January 16-31, 2012

 
Tinipon ni Issi Bartolome
 
Annebisyosa: sold out ang concert ni Anne Curtis

Sold out na ang mga tiket ng kaunaunahang concert ni Anne Curtis, ang Annebisyosa: No Other Concert, na gaganapin sa Smart Araraneta Collesium sa January 28.

Excited na ang mga tagahanga ng dalaga na Makita ang tinaguriang bagong “Concert Empress.”

“They’re in for a spectacular treat,” sabi ng director nito na si Rico Gutierrez. Bukod sa mga piling-piling kanta at sa choreography ni Georaelle Dapat hanggang sa iba’t ibang pagpapalit ng costume ni Anne, inaasahang lilikha ng kasaysayan ang nasabing concert.

Bukod sa bigating director ay tutulong din sa concert na ito ang musical director na si Marvin Querido. Maraming inihandang pop music and dalawa na tiyak ng ikagugulat at ikasisiya ng kaniyang mga tagahanga. Nandiyan di ang mga stylists na sina Liz Uy at Pam Quiñones na lilikha ng mga eye-popping costumes para kay Anne.

“We have no doubt that the costumes themselves will be talked about, mainly because Anne is such a fashionist.

Si Anne mismo ay todo-todong naghanda para sa concert na ito.

“This is probably one of the hardest things that I’m ever gonna be doing in my life but I’m so up to it!”

Nora Aunor umalis na papuntang Amerika

Umalis na ng bansa ang superstar noong ika-8 ng Enero. Pupunta sa Boston si Ate Guy para sa nai-reschedule niyang throat operation sa isang ospital doon. Mananatili ang superstar doon nang mga isang buwan.

Maririnig bang muli ng mga tagahanga niya ang magandang tinig sa pababalik?

“Sama-sama ipag-pray na lang po natin,” maikling sabi ni Nora.

Wala pang tiyak na gagawing proyekto sa TV5 ang aktres kahit pumirma itong muli ng tatlong taong kontrata.

Tapos na niyang gawin ang El Presidente ay maraming projects na naka-line-up sa superstar sa kaniyang pagbabalik.

Ayon kay Boy Abunda (manager ni Guy), “Gusto ko, she’s completely healed sa kaniyang pagbabalik.”

Bagong show ni Mega sa TV5

Si Sharon Cuneta ang magiging host ng pinakabagong singing talent search ng bansa, ang Kanta Pilipinas ng TV5. Matatandaang pumirma ng limang-taong kontrata  ang Megastar sa nasabing TV network at ayon sa ulat ay mahigit isang bilyong pesos ang halaga ng nabanggit na kasunduan.

Ito ang unang proyekto ng Megastar sa TV5 at marahil susundan pa  ng ibang iba’t ibang projects sa darating na mga buwan.

Ang Kanta Pilipinas ay isang nationwide search that aims to find the next singing phenomenon sa bansa.

Si KC ang host ng X-Factor Philippines

Kumpirmado na ang Maga-daughter, KC Concepcion, ang mag-ho-host ng bagong reality show ng Kapamilya network na X-Factor Philippines. Lilibutin ni KC ang buong Pilipinas simula sa buwang ito.

“We will start scouting for talented Filipinos who will join and compete to become the next singing superstar. So if you believ you have the X-Factor, then go to the auditions,” sabi ni KC.

Have a comment on this article? Send us your feedback