Published on

 
 
KC Concepcion
 
 
Sam Pinto
 
 
Cesar Montano
Shamcey Supsup
 
 
Gwendoline Ruais

Showbiz Extra

Pebrero 1-15, 2012

Ni Issi Bartolome

Sexy photo shoot ni KC Concepcion sa Rogue Magazine

Tiyak na pag-uusapan at pagpipistahan ng mga kalalakihan ang latest cover photo shoot ni KC Concepcion sa Rogue Magazine.

Sa cover ay makikita si KC na nakasuot ng white, one-piece high cut swim suit na may hawak ang isang pugot na ulo ng lalaki at may ahas na nakapulupot sa kaniyang kamay.

Nang tinanong kung ano ang kaniyang inspiration sa Rogue cover photo, sumagot nang pabiro si KC, “feelings, emotion.”

Sa ngayon, sinabi ni KC na nagkakaroon siya ng ispirasyon mula sa kaniyang mga tagahanga.

“Kinikilig ako sa mga fans at kinikilig ako sa trabahong mayroon tayo ngayon,” sabi niya.

Nagpasalamat ang dalaga sa mga taong tumulong sa likod ng photo shoot dahil ito ay ginawa nila noong naghihiwalay pa sila ni aktor Piolo Pascual.

Sam Pinto, bagong lady action star

Tapos na ang kaunanahang movie na pinagbibidahan ni Sam Pinto katambal ng action star na si Cesar Montano – ang Hitman. Ayon kay Cesar ay fast learner si Sam. May mga maiinit na eksena ang dalawa na talaga naming kasasabikan ng manonood.

“Tapos na nga ‘yong kissing scene, ako ay nasa alapaap pa,” bulalas ng actor.

Maraming press ang nagtanong kay Cesar kung nagpaalam siya sa misis na si Sunshine Cruz na magkakaroon sila ng love scene si Sam.

“Ano, parang nanay ko siya, ganoon? Magpaalam?” patawang sinabi ni Cesar. “Sunshine naman is not a narrow minded person,” sambit pa ng aktor.

Tuwang tuwa si Cesar sa galing na pinamalas ni Sam sa nasabing pelikula. “She was able to deliver at najustify niya ‘yung role niya. Sam is very professional.”

Aminado rin si Cesar na crush niya ang FHM Sexiest Pinay pero hanggang doon na lamang daw iyon.

PeopleAsia’s People of the Year

Napabilang sa PeopleAsia magazine’s People of the Year sina Congressman Manny Pacquiao; Shamcey Supsup, third runner-up sa Miss Universe; at Gwendoline Ruais, first runner-up sa MissWorld 2011. Ang award ceremony ay ginanap sa Dusit Thani Manila noong nakaraang Enero 19.

Sa kaniyang acceptance speech, pinasalamatan ni Manny ang Diyos sa pagbibigay sa kaniya si Jinkee na matatag na hinarap ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay nang nakaraang taon.

Ang dalawang beauty queen na naghatid ng malakin karangalan sa bansa ay tuwang tuwa sa parangal na tinanggap.

Kabilang din sa mga People of the Year ay sina, Senator Edgardo Angara, Senator Miriam Santiago, business tycoon na si Henry Sy, Jr., pintor Ben Cabrera, musician Louie Ocampo, mga mambabalitang sina Ted Failon at Mel Tiangco, photographerJun De Leon at hotelier Evelyn Singson.