
Opinions
Pasensya ka na, hindi ako bolera
Honesty is the best policy, sabi nga nila
Paano ko sasabihing kulay asul ang pula?
Magsisinungaling, para ka lang mapasaya?
Alam kong minsan kailangan ng papuri
Sa ating itsura, pananalita at gawi,
It makes us feel good tungkol sa ating sarili
At nakaka-inspire nga, nakaka-kiliti.
Pero huwag sanang magtatampo
Kapag nagsabi ako ng totoo
At huwag mo ring baluktutin
Batay lamang sa pagka-intindi mo;
Iwasan ring ikuwento pa sa iba
Para kutyain at gawing katawa-tawa
Dahil ang baluktot mong kuwento
Magbubunga ng hindi maganda.
Simpleng payo lang, kaibigan
Sana’y iyong pakinggan
Buhay mo’y mas aayos
Kung paiiralin ang kabutihan.
Iwasan ang inggit, paninira
Panggagayang hindi naman kaya;
Kung nais mong igalang ng iba
Ituwid ang pag-iisip at gumawa ng tama.
– Lucille Nolasco