Published on

    Baterya

Ang mga sumusunod na indicators ay makapagsasabi kung ang baterya ng iyong sasakyan ay na-drain or talagang patay na:

1. Kapag ipihit ang ignition key, ang engine ay di magka-crank. Karaniwang clicking noise lamang ang maririnig.

2. Mapupuna rin na walang accessory tulad ng stereo, exterior lights o ilaw sa dashboard ang aandar.

3. Kapag nag-jump start, aandar ang sasakyan subalit hindi magho-hold ng charge, kahit pinatakbo nang matagal-tagal, ang baterya ay patay na at kailangan nang palitan ito ng bago. Makakabuti rin na ipa-check sa talyer o sa nagbebenta ng baterya upang masiguro. Karaniwang may instrument na ginagamit upang masukat ang health status ng baterya.

4. Maaari rin na marumi lamang ang polo ng baterya. Kailangan lamang itong linisin ng steel brush.

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

Have a comment on this article? Send us your feedback