Published on

    

Mga karaniwang katanungan matapos

mabangga at makapag-report sa MPI

Karugtong ito ng ating nakaraang artikulo, Ano ang gagawin kapag ikaw ay nabangga.

Matapos na makapag-report sa MPI tungkol sa aksidenteng kinasangkutan, ano na ang susunod na gagawin?

Kung hindi puwedeng imaneho o di kaya ay hindi na safe imaneho ang iyong sasakyan, malamang na sa MPI compound sa Plessis Road ito dadalhin upang i-assess. Kung drivable naman, maaaring bigyan ka ng appointment sa MPI Service Centre na pinakamalapit sa iyong residence o di kaya ay kung saan mayroong available na schedule para sa estimate ng sira ng iyong sasakyan.

Kung hindi drivable o hindi safe imaneho ang iyong sasakyan, ang mga options na maaari mong harapin ay ang mga sumusunod:

Marginal Repair

Ang adjuster na may hawak ng iyong claim ay maaaring magbigay ng conditional marginal repair. Ano ang ibig sabihin nito? Bibigyan ka ng estimate ng repair. Maaari mong dalhin sa shop of your choice. Makikita sa iyong estimate na may note ang adjuster na kailangan siyang abisuhan ng final repair cost ng shop na pagdadalhan mo bago galawin o gawin ang iyong sasakyan. Ito ay upang masiguro na ang repair cost ay hindi lalagpas sa acceptable percentage ng total value ng sasakyan. Kung may mga hidden damages na makikita ang shop na gagawa, ito ay kailangan nilang i-report sa adjuster upang madesisyunan. Kapag ang repair cost ay labis sa acceptable percentage value ng sasakyan, possibleng i-write-off ang iyong sasakyan.

Write-off

Ibig sabihin ay babayaran ka ng fair market value kaysa ito ay ipa-repair. Nara-write-off ang sasakyan kapag ang repair cost ay mas higit kaysa ito ay i-write off. Ang decision na ito ay base sa dolyar at sentimo. Ang desisyong ng MPI ay base sa kung alin ang may mas least cost o kung saan makakatipid ang MPI. Ito ay sa kadahilanan na kailangan na kontrolin ang cost upang mapanatiling ang kasalukuyang premiums na ating ibinabayad. May tatlong bagay o factor na tinitingnan ang MPI sa pagra-write off ng sasakyan:

  1. Repair cost ng damage ng iyong sasakyan
  2. Ang actual cash value ng iyong sasakyan. Ito ay ang fair market value bago ito naaksidente.
  3. Ano ang salvage value ng iyong sasakyan. Magkano ito maaaring maibenta sa damaged condition.
Buy-back

Ang ibig sabihin nito ay maaari mong bilhin pabalik sa iyo ang na-write-off na sasakyan. Ito ay base sa salvage value. Pagkabili mo, maaari mo itong ipagawa nang private sa iyong trusted autobody shop. Kailangan itong dumaan sa Body Integrity Inspection at Safety Inspection bago maaaring iparehistro uli.

Kung drivable ang iyong sasakyan, ito ay karaniwang ipapagawa ng MPI upang mabalik sa condition bago ito nabangga. Sa pagkakataon na ibigay sa iyo ang estimate sheet, maaari mo itong dalhin sa iyong autobody shop. Mayroon kang 24 na buwan o dalawang taon na prescription period upang maipagawa ang sira.

Kung may ibang katanungan tungkol sa mga nabanggit ay maaaring bisitahin ang official website ng MPI, www.mpi.mb.ca/english/claims. Kung mayroon mang pagkaka-iba sa interpretasyon, ang laman ng website ng MPI ay ang mananaig na interpretasyon.

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

Have a comment on this article? Send us your feedback