
Opinions
![]() |
Mga tips tungkol sa air conditioning system |
Pa-summer na naman, matapos ang paggamit ng ating heating system ay air conditioning (AC) system naman. Hindi ako magbibigay ng tips upang paano gagawin ang inyong air conditioning dahil ito ay isang komplikadong bagay at kailangang sa professionals lamang ipaubaya. Subalit, aking ipararating sa inyo ang ilang bagay na kinakailangan ninyong malaman at maintindihan tungkol sa air conditioning system ng inyong sasakyan.
1. Odd smells o masamang amoy na nalalanghap mula sa inyong air conditioning system ay nangagaling sa bacterial build-up.
Kapag hindi ginagamit ang air conditioning system lalo na kapag winter, ang mga bacteria, micro-organisms, mold at fungi ay dumadami at kumakalat sa likod ng dash panel sa may evaporator (isang component sa air conditioning system) na pinagmumulan ng unpleasant o foul odours. May mga researche studies na nagsasaad na ang mga ito ay nagiging sanhi ng sakit ng ulo, flu-like na sintomas na karaniwang tinatawag na “sick car syndrome.”
Ang ganitong problema ay maaaring malutas sa pamamagitan ng paggamit ng anti-bacterial treatment na sumusugpo sa bacteria growth na namumuo sa system at nagbibigay ng “fresh” na amoy sa sasakyan. Ang isa sa mga treatments na ito ay ang mist treatment na nililinis ang buong HVAC system ng sasakyan. Kasabay ng treatment na ito ay ang pagpapalit ng inyong cabin filter (kung ang inyong sasakyan ay equipped).
2. Kapag ang inyong sasakyan ay hindi lumalamig ng husto, kailangang ito ay ipa-service o ipa–recharge ang air conditioning system.
On average, karamihan ng sasakyan ay nawawalan ng hanggang 15% ng refrigerant kada taon. Ang leak na ito ay maaring naggagaling sa hindi paggamit ng air conditioning kapag winter. Ang mga maliliit na o-ring seals o goma na natuyo at umurong (ang mga seals o goma na ito ay naaapektuhan ng severe low temperature) na nagiging dahilan ng gradual na deterioration ng performance ng buong system. Kaya maaaring sabihin natin na, “Last summer ko lang pinakargahan wala na naman ang refrigerant!” Kaya iminumungkahing kapag winter ay patakbuhin din ang air conditioning system ng paminsan-minsan upang mag-circulate ang refrigerant at ma-lubricate ang mga o-ring seals, hoses upang hindi matuyo o mag-crack ang mga ito na maaaring pagmulan ng leaks ng system.
3. Kakaibang ingay na nanggagaling sa air conditioning ay kinakailangang bigyang pansin kaagad.
Kapag nakarinig ng hindi pangkaraniwang ingay kapag inyong pinatakbo ang inyong air conditioning system, makabubuting patingnan kaagad sa isang qualified air conditioning technician o specialist. May ingay na maaaring nagbabadya ng pagkasira ng compressor. Ito ay isang component ng air conditioning system na pinakamahal na palitan. Kapag ito ay nag-seize up at ang bearing sa compressor ay bumigay, maaaring ma-contaminate ng metal particles ang buong system na kakailanganing i-flush ang buong system; at kakailanganing palitan din ang ilan pang components ng air conditioning system tulad ng evaporator, condenser, receiver/drier, orifice tube at expansion valve. Hindi biro-birong gastos ang haharapin.
Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.