
Opinions
![]() |
Kailangan ko ba ng winter tires? |
![]() |
Karaniwang tanong pag ganitong nag-uumpisa nang pumatak ang snow ay “Kailangan ko ba ng winter tires?” Alam naman natin na ang Winnipeg ay kilala sa pagkakaroon ng matagal na winter at maraming snow. Hindi man mandatory na tayo ay maglagay ng winter tires, dapat natin na maintindihan na ang paglalagay ng winter tires ay nakapagbibigay ng karagdagang traction (grabbing power ng gulong), braking power at steady handling ng sasakyan – mga bagay na napakaimportante lalo na sa madulas at mayelong daan.
Ang iba ay maaaring sabihin na, “Nasa driving style ’yan.” Totoo na ang paraan ng pagmamaneho kapag winter ay importante. Ito ay isang factor na nagko-contribute sa safety sa daan kapag winter. Kahit na anong mahal at bago ng iyong winter tires kung medyo agresibo pa rin ang iyong pagmamaneho ay di ka malalayo sa aksidente. Ang desisyon sa paglalagay ng winter tires ay nakasalalay pa rin sa inyo, base sa kasiguraduhan na gusto ninyong masecure at, siyempre, sa budget. Kapag nakawinter tires ang iyong sasakyan, nadaragdagan ito ng additional 20% traction o Kung madesisyunan na magkabit ng witner tires, may mga ilang tips tayo na nais nating ibahagi. Kapag bumili ng winter tires, mas makabubuti na bumili ng separate na rim o wheel na ikakabit. Maaaring medyo malaki ang ilalabas na pera sa una subali’t makatitipid naman kayo sa kalaunan in terms of installation and balancing fees na kailangang bayaran kapag magpapalit ng winter tires kada winter. Sa ganitong practice, mas tatagal pa ang buhay ng mga gulong ninyo both all season at winter tires dahil hindi laging tinatanggal sa rim. Kahit kayo ay maaaring magpalit ng gulong kapag nakasariling rim na ang winter tires o di kaya ay maaari na ninyong isama sa mga winter packages na ino-offer ng mga auto shops. Kailan ba talaga kailangang magkabit ng winter tires? Karaniwang inirerekomenda na pag ang temperature ay nasa mga 7 degrees na, ay magpalit na ng winter tires upang di masorpresa sa biglang pagbaba ng temperatura. Ganoon din naman pagkatapos ng winter, pag ang temperature na ay nasa 7 degrees pataas, iminumungkahi na magpalit na ng pang-all season na gulong upang maiwasan ang premature na pagka-wear ng inyong winter tires. Kailangan bang apat na gulong ng winter tires ang palitan? Oo naman dahil kung dalawa lang ay maaari pa kayong malagay sa peligro sa posibilidad na pagspin ng di inaasahan dahil sa greater traction na dulot ng dalawang winter tires na inyong inilagay kumpara sa dalawang all season tires na inyong iniwanan. So palagay mo ba ay kailangan mo ng winter tires? Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |