
Opinions
![]() |
May tanong ako:Bakit luma ang inilagay na piyesa sa aking sasakyan? |
![]() |
Ating bibigyan ng liwanag ang maintrigang katanungang ito para sa mga may Manitoba Public Insurance (MPI) claims, maging mechanical or autobody man. Bakit nga ba nilalagyan ng used na parts ang ating sasakyan kapag ipinagagawa under sa MPI claims? Para sa mga may mapaglarong kaisipan, ito ay nabibigyan ng kulay na naiko-consider na panloloko sa panig ng gumagawa o ng shop na pinagdalhan. Ating tingnan ang proseso ayon sa MPI upang ating mabigyan ng liwanag. Kapag tumanggap ng claim form ang isang shop, ang unang ginagawa ay itinatawag sa central recyclers’ office ang claim number. Ang recyclers office ay ang sanctioned body ng MPI na nagko-coordinate sa mga recyclers o yung tinatawag natin na junk yard stores. Kapag may mga piyesa na nakasaad sa inyong claim, kahit naka-indicate na OEM parts (ibig sabihin Orignial Equipment Manufacturer), ito ay hahanapan muna ng recyclers office ng mga good condition na used parts na backed up ng one-year warranty. Kapag mayroong available na used parts, iyon muna ang bibigyan ng priority na gamitin sa inyong sasakyan bago kumuha ng aftermarket o replacement parts o di kaya ay yung manggagaling sa dealer na OEM at bago. Kapag wala ay mag-aadvise ang recyclers office sa shop sa pamamagitan ng pagbibigay ng transaction number at “no parts” advice. Bakit ito ang mandate ng MPI? Ito ay para sa kabutihan ng lahat ng insured. Sa ganitong practice, napapanatili ng MPI ang pagkakaroon ng resonableng insurance premium para sa lahat. Sa ganitong paraan ay nakatitipid ang MPI at kaya kapag may surplus sa kinita ay nagagawa ng MPI na magdistribute ng insurance refund o rebate sa lahat ng insured. May option bang hindi gumamit ng used? Pumapayag naman ang MPI na di gumamit ng used parts subalit ang sinasagot lamang ng MPI ay ang hanggan ng halaga kung gagamit ng used. Anything na extra ay sagot nang may-ari ng sasakyan. Dito rin pumapasok ang tinatawag na betterment na kailangang bayaran ng insured on top ng deductible. Ito ay dahil sa punto ng depreciation o yung regular wear & tear ng mga parts component na involved sa akidente. Kung ayaw mong magbayad ng betterment, wala kang choice kundi pumayag na gumamit ng used parts. Come to think of it, noong naaksidente ang iyong sasakyan, hindi naman bago ang nakalagay na piyesa na naapektuhan. Hindi ang shop ang may desisyon kung gagamit ng used parts; ito ay mandate ng MPI. Subalit may option ang shop na gumamit ng aftermarket o replacement parts kung mas makakamura ang MPI. Ito ay sa kadahilanan na hindi dahil used parts ay mas mura kaysa aftermarket o replacement parts. May mga pagkakataon na mas mura pa ang bagong aftermarket o replacement parts kaysa used parts na galing sa junk yard. Kung may karagdagang katanungan sa ating napag-usapan, maaari tayong tumawag sa Manitoba Public Insurance, 204-985-7000 o bumisita sa kanilang website: www.mpi.mb.ca. Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |