
Opinions
![]() |
Paano ka makakatipid sa gas ngayong summer vacation? |
![]() |
Summer na naman, siguradong ang buong pamilya ay nagpaplano na magbakasyon sa malayo-layo sa city. Pero ang iba ay nag-iisip-isip dahil nga sa kasalukuyang presyo ng gasolina. Sa isang banda, sa aking palagay, kailangan ng pamilya ang konting bonding time. Gumastos man nang kaunti ay sulit naman ang kapalit sa ika-iige ng samahang pampamilya. Ating tingnan kung paano natin ma-o-optimize ang gamit ng ating gasoline. Ang mga sumusunod na tips ay makakatulong nang malaki kapag ating sinuma ang ating matitipid pagdating sa gas: • Unang-una ay kinakailangan na ating i-analyze ang ating driving habits. Ang pagkakaroon ng pagbabago sa mga ito ay makatutulong sa pagtitipid ng gas. Kailangan na ugalin na mag-brake sa tamang paraan. Dapat nating malaman na ang sasakyan ay kumukunsumo higit ng gas kapag ito ay nag-a-accelerate. Kinakailangan na maging smooth ang ride upang magkaroon ng improvement sa mileage. So, ibig sabihin, hindi ka pabigla-bigla sa tapak ng gas pedal at di rin pabigla-bigla ang pag-brake. • Kung may available na parking sa malilim or shaded area, doon iparada ang sasakyan. Bakit? Unang-una, kapag nagparada ka sa malilim, ang iyong sasakyan ay 10-20% na cooler kapag sumakay ka. Hindi mo kailangan na buksan kaagad ang iyong air conditioning system na makakakunsumo ng mas maraming gas. Pangalawa, kapag nasa initan ang sasakyan, ang gasoline sa iyong tangke ay nag-e-evaporate sa taas ng tangke kaya nababawasan ito. • Hindi nare-realize ng karamihan, pero pag tiningnan ninyo ang trunk ng inyong sasakyan, makikita ninyo na maraming bagay na nakakarga pero hindi ninyo kailangan. Ang karagdagang load ay nakakadagdag din ng konsumo ng gasoline. Siyempre, pag mas mabigat, mas kailangan ng puwersa. Para magkaroon ng puwersa, kailangan ng mas maraming gasoline. Stick to what is necessary, lalo na kapag nabiyahe. • Kapag kailangan mong maghintay nang medyo matagal, mas maige na patayin muna ang makina. Halimbawa kung kailangan mong tumigil sa railroad, sa may kahabaan na traffic or kung nagwi-withdraw ng pera sa ATM. Anytime na hindi ka makaka-andar sa loob ng isang minuto o higit pa, makabubuti na turn-off muna ang makina. • Maging mahinahon sa pagmamaneho. Stay within the legal limit. Kapag mas mabilis ka, nag-i-increase ang tinatawag na “drag” o wind resistance at, natural, nadadagdagan ang fuel consumption. Tandaan na “mas mataas ang tinatahak ng inyong speedometer needle, mas bumababa ang needle ng fuel gauge.” • Magkaroon ng pre-planning sa inyong driving route. Hindi ibig sabihin na pag sinabi ng GPS na shortest route, eh, fuel efficient na kung lagi ka namang tumitigil. Iwasan ang heavy traffic at maraming traffic lights. • Mas makabubuti na bago mag-long drive ngayong summer, na-tune-up ang inyong sasakyan. Malaki ang matitipid kapag bagong palit ang inyong mga spark plugs, filters (air & fuel at cabin). Makabubuti rin na ipa-wheel alignment ang inyong mga gulong dahil kapag di naka-align ang mga gulong, pigil ang takbo ng sasakyan at, natural, mas kailangan na mas malakas na puwersa upang mapatakbo at mas malakas sa gasoline. Siguraduhin na na-inflate ang inyong gulong sa specified level. Magawa natin ang ilan sa mga nabanggit na tips, ito ay makakatulong na sa atin upang makatipid sa gas. Maligayang paglalakbay mga kabayan! Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |