Published on

    

2011 Basic Automotive Troubleshooting Workshop

Ang 2011 Automotive Basic Troubleshooting Workshop ay ginanap noong ika-14 ng Agosto, sa mismong workshop area ng AutoHann Auto Care Centre. Ito ay dinaluhan ng 16 na participants. Ang workshop ay nag-focus sa iba’t ibang vehicle systems tulad ng Engine, Brake, Steering & Suspension, Exhaust, Tires, Wheels at iba pa. Pinag-usapan ang basic operation ng bawat sistema, mga karaniwang sintomas at problema at paano ang dapat gawin bilang “first aid approach.”

Ang mga participants ay nagkaroon ng masaganang pananghalian at pa-raffle matapost ang workshop.

Nagbahagi ng ilan sa mga participants ang kanilang karanasan at kumento tungkol sa workshop:

“Ang masasabi ko sa workshop ay ito ay very interesting. Marami akong natutunan lalo na sa mga basic katulad ng pagpapalit ng gulong at simpleng pag-adjust ng brakes. Sana marami pang workshop tulad ng ganito.” – Vincent Dela Rosa

“Very educational. I would highly recommend every individual, whether technical or non-technical persons to attend the next workshop.”Jun Pagunuran

“I learned a lot from this workshop. The facilitator or instructor is a well-educated, fully experienced mechanic. He is very easy to understand. The instructor is always open to any kind of question. More power, Ron.” – Bernard Amado

Marami pong salamat sa lahat ng dumalo sa ating 2011 Automotive Basic Troubleshooting Workshop.

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

Have a comment on this article? Send us your feedback