• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Kapalaran • Abril 1-15, 2017

Aries (March 21 – April 19)

Napapansin mo bang lagi ka niyang kinokontra? Kasi, noong mga nakaraang panahon, pinapabayaan mo lang siya. Pero may hanggahan din ang lahat. Lalo na kung napapahiya ka sa ibang tao dahil sa pambabara niya sa iyo. Kausapin mo siya nang hindi lumala. OK ang ika-5, 6, 14 at 15. Alalay ka sa ika-3, 4, 10 at 11.

Taurus (April 20 – May 20)

Kapag masaya ka, masaya rin ang mga kasama mo. Nakakahawa ang kaligayahan at maginhawa pa ang pakiramdam mo. Kung puwede mong habaan ang pasensya mo, gawin mo. Kadalasan, hindi sinasadya ng ibang tao ang makasagasa sila sa damdamin mo. Lucky days mo ang ika-7 at 8. Ingat sa ika-5, 6, 12 at 13.

Gemini (May 21 – June 20)

Walang mangyayari kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagpatalbugan sa isang kaibigan. Oo nga’t tila mas marami siyang nagagawa na umaani ng papuri. Ikaw rin naman, di ba? Pana-panahon lang iyan. Kung ikaw noong isang taon, hayaan mong siya naman ngayon. OK ang ika-1, 10 at 11. Ingat sa ika-7, 8, 14 at 15.

Cancer (June 21 – July 22)

Sa ayaw mo man o gusto, maraming nakakakilala sa iyo. Lalo na sa panahon ng social media. Iwasan mo ang makipagtalo sa isang dati mong kasama sa trabaho o negosyo dahil hindi mo siya kayang ma-control. Baka siraan ka. Kagatin mo na lang muna ang mga labi mo. OK sa ika-3, 4, 12 at 13. Ingat sa ika-10 at 11.

Leo (July 23 – Aug. 22)

Hindi lahat ng malapit sa iyo ay maisasama mo sa iyong paniniwala. Mahirap na usapan kapag tungkol sa relihion o politika. Walang mananalo sa inyong dalawa dahil pareho kayong matigas ang ulo. Baka maisakripisyo ninyo ang pagiging magkaibigan. Maayos sa ika-5, 6, 14 at 15. Stressful ang ika-12 at 13.

Virgo (Aug. 23 – Sept. 22)

Kung puwede mong asikasuhin sa isang taon ang mga bagay-bagay tungkol sa isang kontrata, gawin mo. Huwag ninyong palitan ang alin man sa kontrata ngayon. Wala naman iyong malaking problema. Pabago-bago ang takbo ng negosyo, baka buwenasin na iyan. OK sa ika-7 at 8. Ingat sa ika-1, 14 at 15.

Libra (Sept. 23 – Oct. 22)

Bakit ka maghahanap ng bato na ipupukpok mo sa iyong ulo? Kung gawa na ang plano nila, hayaan mo. Hindi ka naman kasali. Oo nga’t may malasakit ka sa kanila pero wala namang humihingi ng payo mo. Sasama lang ang loob nila dahil parang nakikialam ka. OK ang ika-1, 10 at 11. Ingat sa ika-3, 4, 12 at 13.

Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21)

Gusto mong mag-good time, pero nako-konsensya ka dahil hindi siya nakakasama sa mga lakad mo. Pero, hindi ka rin naman niya isinasama sa mga lakad niya, di ba? Hindi kayo pareho ng hilig, OK lang hiwalay ang good time. Kaya nagtatagal ang pagsasama ninyo. OK ang ika-5, 6, 14 at 15. Ingat sa ika-1, 7 at 8.

Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21)

OK lang ang lovers quarrel. Mas matamis ang romansa kapag nagkasundo na, di ba? Huwag lang masyadong madalas dahil baka ang matamis ay maging mapait. Minsan ay wala sa lugar ang selos ng isa’t isa. Sino ba ang praning sa inyong dalawa? Masaya ang ika-7 at 8. May tension sa ika-3, 4, 10 at 11.

Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19)

Sana ay panatilihin mo ang katahimikan sa iyong pamilya. Huwag kang magpapakitang-giliw sa isa dahil mitsa iyan ng selos at inggit. Matanda man o bata, pareho ang magiging reaksyon. Kailangan ay pantay-pantay sila lalo na kung may paghahatian. Good days ang ika-1, 10 at 11. May tensyon sa ika-5, 6, 12 at 13.

Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18)

Mas malalim ang pag-iisip mo kung ihahambing sa ibang tao na kasabay mong nagkaisip. Normal lang na magkimkim sila ng selos kung nakikita nilang mas maluwag ang iyong kabuhayan kaysa kanila. OK lang tumulong pero alam mo naman kung kailan inaabuso ka na. OK ang ika-7 at 8. Ingat sa ika-2, 3, 9 at 10.

Pisces (Feb. 19 – March 20)

Nag-iiba ang ugali ng ibang tao kapag pera na ang pinag-uusapan. Hindi katakataka iyan. Nasa sa iyo na ang desisyon kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagkaibigan sa mga nadiskubri mong “mukhang pera” lang pala. Hindi mo sila mababago. Lumayo ka. OK sa ika-3, 4, 12 at 13. Careful sa ika-1, 7, 8, 14 at 15.