Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Ang Ama

Taguring haligi, gabay ng tahanan,
Bukal ng unawa ang puso’t isipan;
Ang bigat ng mga pasanin sa buhay,
Sa balikat niya laging nakaatang!

***

Kahit nasa hustong gulang na ang anak,
May pamilya’t wala pagtingin ay ganap;
Hangarin palagi lahat sila’y ligtas,
At makamit nawa ang buhay na hangad!

***

Kahapon at ngayong nawalan ng Ama,
Ang buhay ay kulang kung wala na siya;
Sa isang tahanang maramot ang sigla,
Ama ang sandigan ng ulirang Ina!

***

Palaging isiping ang Tunay na Ama,
Tanging Diyos lamang, wala nang iba pa!

 

Paquito Rey Pacheco