
Opinions
Talaga ng Diyos na kapangyarihan,
Sa pagpaparami ng hiram na buhay;
Sila ang napili na maging punlaan;
Na mamamalaging laman ng lipunan!
***
Ilaw ng tahanan, tangi at dakila,
Batis ng pag-ibig ang puso at diwa;
Ang bisig ay duyan ng awa’t kalinga,
Sa mga pagsubok, panapat ay luha!
***
Katayuan niya ay alalahanin,
Pagkukulang nila, sana’y unawain;
Ika-limang Utos ng Diyos sa atin,
Igalang na lubos, ang magulang natin!
Paquito Rey Pacheco