Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Pulitika

Isipang malaya, mabisang daluyan,
ng mga sariling kurong panlipunan;
May mabuting binhi, bunga’y karangalan,
Ang dakilang layon, magandang puhunan!

***

Larangang tagisan ng iwing talino,
Na damdaming likas sa puso ng tao;
Subalit malimit na naaabuso,
ng mapagkunwaring mga walang modo!

***

Katulad ng ngayon sa bayan kong sawi,
Sa kaginhawahang malaon nang mithi;
Hindi mapigilan ang mga tiwali,
Sa paulit-ulit na pagkakamali!

***

Ang nasa ibaba, nais makaakyat,
Hangad pababain ang nasa itaas!

Paquito Rey Pacheco