Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Maraming Salamat Po

Ako’y taga-bukid na salat sa yaman,
Subalit maraming naging kaibigan;
Palibhasa ako ay tao nga lamang,
Marupok sa salang hindi maiwasan!

***

Bukod sa makipot na daang matuwid,
Nilakarang landas, madulas, matinik;
At sapagkat dukha ay naging balakid,
Ang aking pangarap na nais makamit!

***

Pahiram na buhay ng Diyos sa akin,
Walumpo’t, anim nang mahirap ilihim;
Lumbay ang pagsubok sa puso’t damdamin,
Na ang tanging lunas, tapat na dalangin!

***

Maraming salamat sa mga biyaya,
At handog ng Diyos na gintong kalinga!

Paquito Rey Pacheco