Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Sana

Kaguluhang kalong ngayon ng daigdig,
Ligayang nagtampo akiting magbalik;
Maghilom ang sugat at hapding tiniis
ng buhay na laging sa ginhawa’y sabik!

***

Ang mga nahimlay sa banig ng dusa,
Sana’y makabangon sa pagkakasala;
Matampuhing galak nawa’y magpakita,
Maghandog ng kahit kaunting ligaya!

***

Ang aking kahapon kasi’y nagmadali,
Kaya ang ligaya ng buhay umikli;
Kung pinabayaang matama ang mali,
Marahil wala nang makirot sa budhi!

***

Sana ay magsawa ang pangit na buhay,
Mahalinhan nawa ng kaginhawahan!

Paquito Rey Pacheco