Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Lumaki sa Layaw

Dito sa daigdig ng gabi at araw,
Ang lahat ng bata nang sila’y isilang;
Tunay na malabo ang alam sa buhay,
Ngunit unti-unting nagiging malinaw!

***

Sa nilalakarang landas na maputik,
Sadyang hindi talos ang bantang panganib;
Na ang mga damo sa dalawang gilid,
May pugad ng ahas na nasa talahib!

***

Nang makalaya na sa mga magulang,
Sapagkat lumaki’t nasa hustong gulang;
Maraming ang budhi ay sadyang huwaran,
Na naging marupok at makasalanan!

***

Tao nang isilang malinis ang budhi,
Subalit maraming inibig ang mali!

Paquito Rey Pacheco