Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Buhay na Pahiram

Inibig ng Diyos na tayo’y isilang,
Kaparis ng hayop, isda at halaman;
Dito sa daigdig malayang namuhay,
Subalit isipin na pahiram lamang!

***

Nang maging malaya ang kilos at isip,
Sa gulong buhay maraming naipit;
Yaman ang sinamba, sa rangya naakit,
Maraming nahulog sa bangin ng hapis!

***

Hindi natin piho ang kinabukasan,
At sadyang magiging ating kapalaran;
Landas na matinik ay dapat iwasan,
Kung hangad kumita ng kaligayahan!

***

Ang yamang diniyos ay hindi nadala,
Nang mga sandaling magpantay ang paa!

 

Paquito Rey Pacheco