• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Salamat po

Ang buhay ng tao sa balat ng lupa,
Mahirap matanto, puno ng hiwaga;
Maraming hikahos at pinagpapala,
Na ang nasusunod utos ng tadhana!
***
Walumpu at apat, ang taong nagdaan,
ng buhay kong iwi, bagaman pahiram;
Kung aking wariin, parang kailan lang,
Koloob ng Diyos, mulang kamusmusan!
***
Ang buhay ko ngayon, tunay na larawan,
Labi ng panahong madaling lumisan;
Ala-alang laging, kusang naiiwan,
ng araw at gabing naghahalinlinan!
***
Kalinga’t patnubay sa akin ng Diyos,
Ang pasalamat ko sa Kaniya’y taos!

Paquito Rey Pacheco