• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Bagong Taon

 

Habang nakalingon sa taong nagdaan,
Ang lumang panahon ay naging mapanglaw;
Pinasang hilahil na malaong taglay,
ay bagong panahon naman ang papasan!

***

May pangako naman ang bagong panahon,
Na kusang iniwan ng nalumang taon;
Di maiiwasang tanggapin ang gayon,
Ano mang pamana ng pagkakataon!

***

Sa bagong panahon buhay ang pag-asa;
Na ang kabuhayan sana’y guminhawa,
Mahalinhan naman ang malaong dusa,
Ng palaging mithing tunay na ligaya!

***

Ang mapaklang bunga ng tinanim noon,
Sana ay matamis ang matikman ngayon!

Paquito Rey Pacheco