• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Gintong Alaala

Ang diwa ng Pasko, buhay na tahimik,
Gunitang masaya na pabalik-balik;
Bagaman maraming bihag ng pasakit,
Na nararanasan sa silong ng langit!

***

Ang bukal sa isip ay Kural Sabsaban,
Na balitang pook ng kasagraduhan;
Panginoong Sanggol doon isinilang,
Nang walang maawa sa nanunuluyan!

***

Sa banal na araw maraming pamilya,
Palaging ang nais, magkasama-sama;
Panahong masungit hindi alintana;
Sapagkat ang Pasko’y gintong ala-ala!

***

Marahil magiging tahimik ang Mundo,
Kung ang gabi’t araw, katulad ng Pasko!

Paquito Rey Pacheco