• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Likas

Ang laging mainit na katawan noon,
Kusang iba na ang pakiramdam ngayon;
Palibhasa’y likas na takda ang gayon,
Na hatid sa tao ng tuksong panahon!

***

Hindi magtatagal, ang tigang na lupa,
May puting kumot nang malamig na kusa;
Ang daloy ng buhay iwasang manghina,
Magsikap palaging maging masagana!

***

Ang awit at tula, hitik sa pag-ibig,
Na mula sa puso at likha ng isip;
Larawang maganda, kung hindi ay pangit,
Pangakong sukdulan ay lupa at langit!

***

Likas palibhasa, laging karaniwan,
Udyok ng pag-ibig, makapangyarihan!

Paquito Rey Pacheco