• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Noon at Ngayon

 

Dahon ng panahon kusang nalalagas,
Sa kinakapitang sanga ng lumipas;
Bigong pagnanasa na pinapangarap;
Ang kulay sa ngayon ay sadyang kumupas!

***

Sa ubod ng puso ay kusang natanim,
Ang pinagdaanang landas ng panimdim;
Naiwanang bakas nais mang lingunin,
At kung babalikan ay malabo na rin!

***

Buhay kung nakamit, bigo at tagumpay,
Sa labas at loob ng bayan kong mahal;
Maluwag sa dibdib na tanggap ko naman,
Talaga ng Diyos sa buhay kong hiram!

***

Laging magkaiba, tulad ng panahon,
Ang mga pangarap ng noon at ngayon!

 

Paquito Rey Pacheco