Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Hinala, Hula at Haka

Isipan ng tao, tunay na malikot,
At mapaghinala, madaling mauyot;
Walang kasiyahan, paniwalay’y lubos,
Sa katotohanan na hindi matalos!

***

Maraming nabigo sa maling hinala,
Sanhi sa batayang pawang sapantaha;
Na ang sinusunod ay batay sa hula;
Kaya napalungi ay sapagkat haka!

***

Sino mang kilalang tao sa lipunan,
Kuru-kuro nila’y dapat pag-aralan;
Suriing mabuti bago sang-ayunan,
Ang mga sinabi kung katotohanan!

***

Maraming balita, ayon kay Balagtas,
Sakaling totoo, marami ang dagdag!

 Paquito Rey Pacheco