Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Gunita

Ginugunita ko ang aking kahapon,
Na di inakalang magdadapit-hapon;
Ang kaligayahang noo’y kalong-kalong,
Ngayon ay larawan ng nabigong layon!

***

Ang murang isipan ay sabik na sabik,
At noong wala pa ay inip na inip;
Kaba ang palagi na laman ng dibdib,

Subalit makulay ang aking daigdig!

***

Sa landas ng buhay ay kirot at hapdi,
Laging kaulayaw ng isip at budhi;
Kung di man natupad ang hangad na mithi,
May naiwang bakas naman ang lunggati!

***

Larawan ng buhay na pinagdaanan,
Maganda at pangit gunita na lamang

Paquito Rey Pacheco