• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Disyembre

Malamig na simoy ng hanging malaya,
Ramdam ng katawang nagmula sa lupa;
Sabik na hinintay ng matanda’t bata,
Bagaman darating din naman na kusa!

***

Bago makatakas ang lumang panahon,
Ang sigla ng Pasko tampok muna ngayon;
Batid na ang araw kaparis din noon,
Laging dumarating minsan bawat taon!

***

Disyembre ay iba, tunay na makulay,
Pintig ng panahon ay kaligayahan;
Tulad ng pagsuyong hindi maiwasan,
Likas palibhasa ang makapangyarihan!

***

Ang lumang panahon na takdang magbihis,
Di mapipigilan tulad ng pag-ibig!

Paquito Rey Pacheco