Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Gunita ng Pasko

Ang tanging panahon ng pagbibigayan,
Dapat patawarin ang may kasalanan;
Ang hatid sa puso ay kaligayahan,
Sa dibdib at diwa ay katahimikan!

***

Pasko’y pagdiriwang ng mga pamilya,
Na magkakayakap sa ligaya’t dusa;
Sa may kulay gabing mga alaala,
Pasko ay silahis ng bagong umaga!

***

Gunita ng Pasko ay kural-sabsaban,
Ang tanyag na pook ng kasagraduhan;
Panginoong Sanggol doon isinilang,
Nang walang kumupkop sa panunuluyan!

***

Ang Mundo ay hindi magiging magulo,
Kung ang maghahari ay diwa ng Pasko!

Paquito Rey Pacheco