
Opinions
Ang kasalukuyan ay buwan ng Puso,
Maligayang araw, kung hindi’y siphayo;
Pinanariwa ang mga pangako
ng pagmamahalang hinog sa pagsuyo!
***
Maraming larawan ang pusong malaya,
Maharot, mapusok, matibay, mahina;
Pintig mahabagin, kilos pinagpala,
Na palatandaan ng pusong dakila!
***
Pusong sa kapuwa puso ay nahaling,
Karaniwa’y udyok ng gintong layunin;
Supling na pagsintang taos ang hangarin,
Matamis na bunga’y masiglang damdamin!
***
Ang atas ng puso ay mangingibabaw,
Kahit na ang dulot ay kapighatian!
Paquito Rey Pacheco