Published on

Hinagap ni Paquito Rey Pacheco

Anong Kalayaan?

 

Ang mga bilanggo, hangad makalabas,
Sa silid na pader, rehas na matigas;
Bansa ay gayon din sa malaong hangad;
Kahit mamalimos ng kaunting habag!

***

Ang kalayaan na pinagdiriwang?
Sa bayang sininta na kinamulatan;
Naturingang bansa na may kalayaan,
Pagiging alipin ang kinabubuhay!

***

Maraming kabayan, nabigo ang mithi,
Sa pamamahalang tunay na tiwali;
Ang dugong inalay sa laya na binhi,
ng mga bayani, nasayang na mithi!

***

Langit ang mabuhay sa bayang malaya,
Na ang mamamayan, may hustong kalinga!

Paquito Rey Pacheco