
Opinions
Minasan pang nagpalit ng damit ang taon,
Hinubad ang saplot ng lumang panahon;
Tulad ng sinundang naglalakbay ngayon,
Sa lansangang dating nilakaran noon!
***
Nagdaang panahon, may naiwang bakas,
sa kasalukuyang ang badya ay hayag;
Larawang maganda, buhay na maunlad,
Kilos na malungkot ay bigo sa hangad!
***
May hangad ang ngayon na nais magbago
ang landas sa buhay at pakikitungo;
Magmahal ay langit ng sino mang tao,
Sana ay mawaksi ang pangit na bisyo,
***
Pag-asang mabago ang buhay ay ngayon,
Sa inaasahan nating Bagong Taon!
Paquito Rey Pacheco