Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

Si Marites at Karen na makasarili

ni Noel Lapuz

Habang sinusulat ko ito ay patuloy ang tension sa Ukraine dahil sa pag-atake ng Russia. Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na 137 katao na ang namatay kabilang dito ang mga sibilyan at militar.

Kinondena ng maraming bansa kasama ang Canada ang patuloy na pagsugod ng Russian troops sa ilang bahagi ng Ukraine. Ang sabi ni PM Justin Trudeau sa kaniyang opisyal na pahayag:

“Russia’s recent actions are a blatant attack on Ukrainian sovereignty, as well as a serious threat to the security and stability of the region and the international rules-based order. The sanctions and the additional military support we are announcing today is the first step Canada will take to stop Russia’s unwarranted aggression. There will be serious consequences for Russia’s actions, and together with our allies and partners, we will continue to take decisive action to support the sovereignty, territorial integrity, and independence of Ukraine.”

Bahagi ng pagtulong ng Canada sa crisis sa Ukraine ay ang pagpapabilis ng immigration process upang i-reunite ang mga Canadians na may mga kamag-anak sa Ukraine na gustong pumunta sa Canada upang magsimula ng bagong buhay. Narito ang opisyal na pahayag ng PMO patungkol dito:

“Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) has implemented measures to quickly issue travel documents to help Canadian citizens, Canadian permanent residents, and their immediate family members in Ukraine get to Canada as quickly as possible should they wish to do so. IRCC is also increasing operational capacity in the region and has enacted priority-processing of applications for proof of citizenship, permanent residence, and temporary residence, including study and work permits, for Ukrainian nationals who want to study, work, reunite with family, or start a new life in Canada.”

Bago ako umuwi ng bahay ay nagpa-gasolina muna ako. Habang nasa loob ng convenience store/gas bar counter at nag-aantay ng aking turn para magbayad ay narinig ko ang usapan ng iba pang nag-aantay tungkol sa Ukraine. Siyempre, mga Pilipino din sila na laging up to date sa mga issue sa mundo. At tulad ng marami, tiyak na may mga opinion sila sa nangyayaring giyera. Ang sabi ng isa: “Naku, itong si Trudeau papapasukin na naman ang mga refugees dito. Hindi na nadala.” Umayon naman ang kaniyang kausap at dinagdag pa na lalo daw tatagal ang pag sponsor nila sa kanilang mga kamag-anak dahil tiyak na priorities ang mga Ukrainians ngayon tulad ng ginawa nila sa mga taga-Syrians noon. Opo, si Marites at ang kaniyang kumare nga yata ang nasaksihan ko.

Gusto ko ng makialam sa usapan nila “Marites” pero nagpigil na lang ako dahil tiyak na away lamang ang kahahantungan nito.

Pagkatapos kong magpa-gas habang nagmamaneho pauwi ng bahay ay tinanong ko ang aking sarili kung talaga bang ganito nang kakitid ang utak ng mga tao ngayon? Ganito na ba tayo ka-selfish? Talaga ba, Marites?

Ang nasaksihan at nadinig kong usapan nila “Marites” ay hindi representante ng mga mabubuting Pilipino dito sa Canada. Sana nga.

Nag-iisip ako kung ano ang isusulat ko ngayon sa Batang North End. At habang nag-iisip ay kinalikot ko muna ang aking phone. Kung bakit ba naman parang tukso na Ukraine opinions pa rin ang nabasa ko sa Facebook posts and comments. This time hindi mga Pilipinong Marites kundi mga “Karen”! Maraming mga “Karen” comments ang nagsasabing huwag daw dapat makialam ang Canada sa gulo ng Ukraine at Russia. Marami ding mga comments na taliwas ang paniniwala sa mga “Karen” na tama lang daw ang ginawa ng gobyerno na economic sanctions at pagpapadala ng military support.

Muli, nabahala ako sa napansin kong pattern ng behaviour na mga tao. Ang daming makasariling Marites at Karen.

Ilagay kaya natin ang ating sarili sa sa gitna ng nangyayari ngayon sa Ukraine? Ano kaya ang mararamdaman natin. Dahil ba’t safe na tayo at maayos na ang buhay natin dito sa Canada ay wala na tayong pakialam sa crisis ng mundo? Ganito na ba tayo?

Habang nagtatalo tayo sa social media at nagpapagalingan ng ating mga kaalaman at opinion ay maraming namamatay. Mga sundalo, bata, matanda, mga simpleng mamayang katulad mo at katulad ko.

Sa mga Pilipinong iniisip na hindi parehas na bigyan ng priyoridad ang mga Ukranians para mabilis na makapasok sa Canada, magpasalamat na lang sana kayo dahil ang napuntahan n’yong bansa ay pinaninindigan ang pagtulong sa katauhan at nagtatanggol sa kalayaan ng sinuman.

Imbis na maging bitter kayo dahil may nauuna sa mga Pilipino ng pagpasok dito ay isipin n’yo na lang na ang Canada ay sumasagip ng buhay ng mga tao na ang mga buhay ay nasa peligro.

Tandaan natin na ang Canada ay champion ng diversity. Kung gaano natin kamahal ang ating mga kamag-anak ay ganoon din sana natin mahalin ang iba pang tao sa mundo. Nasa isang mundo lang naman tayo. Kung bakit kasi naimbento pa ang salitang “race” na naghati-hati sa atin.

Sa mga panahong ito, lalo sana nating palaganapin ang pagdadamayan, pagtutulungan at pag-ibig sa bawa’t isa sa kabila ng ating pagkakaiba.

Marites at Karen, iwasan n’yo na kasi ang sablay ninyong paniniwala at huwag ng masiyadong selfish.

Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback