
Opinions
![]() |
Bakit napakaimportante ang botong mga Pinoy sa Winnipeg North riding? |
ni Noel Lapuz
Snap federal election sa Lunes, September 20th. Boboto na naman tayo ng mga members of parliament (MP) na kakatawan sa atin sa Ottawa. Dito rin malalaman kung magiging prime minister pa rin natin si Justin Trudeau o hindi na.
Maraming hindi handa sa eleksiyong ito. Tinanong ko si Misis kung sino iboboto niya among the candidates sa Winnipeg North. Wala siyang sagot. Hindi siya handa at wala siyang panahon na makinig sa mga pangako ng mga pulitiko. Hindi ko siya masisisi. Maraming Canadians ang hindi handa sa eleksiyong ito.
Biruin mo nga naman, sa kalagitnaan ng hindi matapos-tapos na pandemic ay magtatawag ka ng eleksiyon? Pagsasamantala ba ito o pagiging maka-sarili? If you follow federal politics ay masasakyan ninyo ang aking sinasabi. Anyway, andito na tayo, kaya dapat nating seryosohin ang pagkakataong itong ibinigay sa atin para pumili ng lider ng Canada.
Si Monsignor Enrique Samson ng St. Peter’s Parish ay very vocal sa kaniyang stand on abortion, euthanasia at legalization ng marijuana. Katunayan, maraming beses kong nakita si Monsi sa harap ng Health Sciences Centre na may hawak na placard na pro-life. Madalas din sa pulpito ay matapang niyang pinapa-alalahan ang kaniyang mga parishioners na magsuring mabuti kung sino ang dapat iboto.
Magsuri. Tama si Monsi. Hindi dahil sa natulungan ka ng pulitiko sa mga immigration papers mo ay sapat na ito para iboto mo siya, hindi ba? Alaming mabuti kung ang mga polisiyang isinusulong ng mga partidong kinakatawan ng mga pulitikong ito ay naaayon sa iyong paniniwala at paninindigan. Trabaho ng mga public officials ang maglingkod sa bayan. Hindi tama na sisingilin nila kayo ng boto dahil “natulungan” nila kayo. Ang boto mo ay sagrado. Bumoto ayon sa iyong konsyensya.
Huwag sayangin ang boto. Para sa mga kapitbahay ko sa Winnipeg North, sana ay bumoto tayong lahat. Wala akong ini-endorsong kandidato. Ang hiling ko lang sa inyo ay maglaan kayo ng kahit kaunting panahon para alamin ang mga plataporma ng mga kandidato sa ating lugar. Ang mga official candidates sa ating lugar ay nakasulat sa ibaba in alphabetical order ayon sa kanilang first names. Naglagay din ako ng kanilang mga phone numbers na naka publish sa Elections Canada website, kung sakaling gusto ni n’yo silang tawagan at tanungin kung ano ang magagawa nila sa ating lugar at sa ating bansa.
Ang incumbent MP sa Winnipeg North ay si Mang Kevin Lamoureux. Nakaupo siya since 2010. From 2004 to 2010 naman ay nakaupo bilang MLA sa riding na ito si Judy Wasylycia-Leis ng NDP. Ang tanong, mananatili kaya si Mang Kevin o babalik sa kulay orange ang Winnipeg North kung mananalo si Melissa Chung-Mowat? Andiyan din syempre ang iba pang mga kandidato na bibiyak sa boto ng lahat. May mga ugong-ugong na matunog din daw ang pangalan ng kandidato ng PPC na si Patrick Neilan. Totoo kaya ito?
Ang Winnipeg North ay tinatawag na “riding to watch” itong darating na eleksiyon. Matatandaan na kamuntik nang matalo si Kevin ni Rebecca Blaikie ng NDP noong 2010 by-election nang 44 votes lang ang kaniyang naging lamang! Maulit kaya ang ganitong laban? Maging close match kaya ang laban ni Kevin kay Melissa o magtatambakan sila ng boto?
Bilang mga Filipino-Canadian na naninirahan sa Winnipeg North, napakahalaga ng ating role sa botohang ito. Bakit po?
Winnipeg North is the riding with the highest percentage of voters of Filipino ethnic origin, highest percentage of people belonging to the Filipino visible minority group and highest percentage of native speakers of Tagalog.
Ang Winnipeg North ay parang “small Pinas” ng Canada! Nandito ang boses ng mga Pinoy-Canadians kaya’t dapat na tayo ay well-represented sa Ottawa. Sana ay naiinitindihan ni n’yo kung bakit ko hinihimok kayong lahat, lalo na ang mga taga-Winnipeg North na bumoto at huwag sayangin ang inyong partisipasyon sa demokratikong prosesong ito.
Mayroon din kayong puwedeng gamiting tool na maaaring makatulong sa kung sino ang dapat iboto. Ito ay yung tinatawag na Vote Compass. Ito ay binuo ng mga political scientists na kung saan ay mabibigyan ang mga respondents ng guidance kung saang partido sila naka-align. Para sa karagdagang impormasyon dito ay puwede ninyong bisitahin ang https://votecompass.cbc.ca/canada.
Ano naman ang dapat nating malaman tungkol sa botohan? Narito ang ilang mga impormasyon mula sa Elections Canada (in Tagalog).
Tiyaking nakarehistro ka para bumoto.
Abangan ang inyong card impormasyon ng botante sa koreo. Makikita mo rito kung saan at kailan ka makakaboto.
Makipag-ugnayan sa Elections Canada kung ang iyong card ay:
Kung may katanungan kayo tungkol sa eleksiyong ito ay tumawag sa telepono bilang 1-800-463-6868 (toll-free po ito, walang bayad) or bisitahin ang kanilang website sa https://elections.ca/home.aspx.
Nakasalalay ang kinabukasan ng Canada sa ating mga boto. Huwag magpauto. Mag-aral, magsuri at bumoto!
Isa pa, hindi paramihan ng signs ang eleksiyon.
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.