Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

 You, me, and the community

ni Noel Lapuz

Isa sa maipagmamalaki natin bilang mga Manitobans at mga Winnipeggers ay ang ating aktibong pagtulong sa kapuwa sa iba’t ibang paraan. Ang bawat fun run and half-marathon na sinasalihan ko ay mayroon laging ambag sa mga non-profit organizations, tulad ng Heart and Stroke Foundation, Cancer Care Manitoba at marami pang iba. Kabi-kabila rin ang mga fundraisers ng maraming organizations para tumulong sa pagpapatayo ng simbahan, schools, parks at mga tahanan. Bukod dito ay maraming mga samahan na nagsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kagandahan ng ating komunidad.

Wedding socials

Alam nating lahat na ginagawa ang mga socials para makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga naka-planong ikasal. Ang wedding socials ay isang napakagandang halimbawa ng pagkakaisa ng komunidad. Ang nakaka-proud pa dito ay only in Manitoba diumano ang wedding socials.

Ayon sa website ng Manitoba Social Guide:

A social is a particularly Manitoba-grown concept. It’s a fundraising party, often for a wedding, charitable or community organization. Usually held at a community centre or a Legion hall, it can be known as a “Manitoba Social,” “Winnipeg Social,” “Wedding Social,” “Fundraising Social,” or just simply a “Social.”

When it is run for a wedding it is traditionally run by the wedding party, although it is sometimes run by the bride and groom. A wedding social gives people a way to include friends and relatives in the wedding when you could not invite them, and allows friends and family to support the couple financially for their new life together.

  Althea Bannock Bread
 
Althea Guiboche has been giving back to the community by feeding the hungry with bannock bread for five years now.

Bannock Lady

(reference: http://www.socialsguide.com/)

Kaibigan ko sa Facebook si Althea Guiboche o mas kilala bilang si Bannock Lady. Limang taon nang masugid na nagluluto at namimigay ng bannock si Althea sa maraming gutom at mga homeless sa Winnipeg. Ang bannock ay isang uri ng tinapay na kadalasang kinakain ng mga katutubo.

Sa isang interview kamakailan kay Althea, sinabi niya na: “It’s been a challenge but it has been so much fun at the same time. It’s about networking and bringing people in together, sharing, caring and celebrating the village — it’s amazing.” Si Althea ay dating homeless at nakaranas ng hirap at gutom kasama ng kaniyang mga anak noong taong 2011. Matapos niyang makaraos sa mga pagsubok ng buhay ay binalikan niya ang komunidad sa pamamagitan ng literal na pagpapakain sa mga nagugutom.

   Junel Malapad and Batang North End Noel Lapuz sa Winnipeg Fire Paramedics Run noong 2017
 
Junel Malapad & Batang North End Noel Lapuz sa Winnipeg Fire Paramedics Run noong 2017

Ang mga takbo ni Junel Malapad

I am so honoured to personally know this awesome guy. I ran with him in many running events. He was chosen by Ace Burpee as one of the Top 100 Most Fascinating Manitobans in 2017. Last summer, Junel ran 100 km in 12 hours and raised thousands of dollars for Canadian Mental Health. The event was called “take stigma to the trash” and was held at Garbage Hill. Bagama’t ilang kilometro lamang ang nai-ambag ko sa fund raising event na ito ay isang karangalan ang maging bahagi nito at makatakbo si Junel, isang nirerespestong ultra-marathon runner. Bukod sa kaniyang 100 km run noong summer ay tumakbo ulit ng 100 km si Junel noong Boxing Day na tinawag niyang, “make Boxing Day Running Day” where he also raised funds for Siloam Mission.

Bear Clan Patrol and 204 Neighbourhood Watch

Ang Bear Clan Patrol Inc. ay itinatag ng mga nagkakaisang katutubo sa gabay ng kanilang mga elders na naglalayong panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa ating mga komunidad. Nagsisilbi din silang katuwang ng Winnipeg Police Service sa pagpapatupad ng peace and order.

    204 Neighbourhood Watch
 
The volunteers of 204 Neighbourhood Watch regularly patrol the areas of North End, Tyndall Park, Maples, Garden Grove and other areas of our city

Regular silang nagro-ronda tuwing gabi sa iba’t ibang bahagi ng ating siyudad. Inspired by the success of Bear Clan Patrol Inc., ay naitatag ang 204 Neighbourhood Watch na nagsasagawa din ng regular patrols tulad ng Bear Clan. I was chatting with Leila Castro of 204 Neighbourhood Watch and she mentioned how timely it is to help each other as one community since Winnipeg is now our home. Sabi niya: “It’s about time po na magtulong-tulong tayo dahil dito na po ang tirahan nating mga immigrants.”

Meet me at the Bell Tower – Stop the violence

Tuwing Biyernes ng gabi ay nagtitipon ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Aboriginal Youth Organization Movement ng North End Winnipeg upang magkaisa at isulong ang kampanya laban sa karahasan. Ang Bell Tower ay matatagpuan sa Selkirk Avenue sa North End Winnipeg. Isa sa mga rituals ng pagtitipong ito ay ang pagkalampag sa kampana bilang simula ng pagtitipon. Ito ay bukas sa lahat ng interesado at gustong makisama sa pakikibaka para itigil ang karahasan sa komunidad. Isa sa primyadong leader ng samahang ito ay si Michael Champagne na madalas ding makita sa iba’t ibang community events and rallies. Si Michael ay taga-North End, Winnipeg.

The Buskers Downtown

I really appreciate the contributions of buskers to make downtown Winnipeg more vibrant! Kung nagta-trabaho ka sa downtown ay tiyak na kilala mo ang mala-Johnny Cash na boses ng busker sa walkway patungong Millenium Library. Kapag naman summer ay madalas sa harap ng Portage Place ang Chinese looking na musikero na nagbibigay sigla sa kalye through his instrumental-oriental type of music. Nandiyan din ang grupo ng mga Jamaicans na tumitirada ng mga reggae music sa kanto ng Hargrave at Portage. These buskers set the mood and spirit in the busy exchange district making downtown Winnipeg one of the best places to live, work, play and enjoy.

You, me, and the community

Ikaw at ako ay bahagi ng mabubuting Winnipeggers. We are proud to be living in the so-called heart of the continent na kung saan mayroon tayong kalayaang mamuhay nang maayos and a place where we have equal opportunity to contribute to the continuing development of our communities. Magkakaiba ang ating kulay, magkakaiba ang bansang ating pinanggalingan, magkakaiba ang ating mga paniniwala at pananampalataya, magkakaiba at ating mga itsura, magkakaiba tayong lahat. Our diversity is our strength. Dahil sa pagkakaibang ito ay umuusbong ang ating passion para sa malalim na pagmamahal sa ating komunidad.

Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback