• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

Get well, Mr. B.

ni Noel Lapuz

Mabuti na lang at active ako sa running ngayong mga panahong ito. Kilala ko na ang mukha niya. Madalas ko siyang makita sa Polo Park, sa Young’s Market, sa PCCM at kahit sa bus ay maka-ilang beses ko na rin siyang nakasakay. Kamakailan ay nakasalubong ko siya sa Winnipeg Square. Kinausap niya ako at tinanong, “Pilipino, ka ba?” Hindi ko siya pinansin at nag-pretend ako na di ko siya narinig dahil naka-earphone ako. Sinundan niya ako, tinanong ulit ako, “Pilipino, ka ba?” Binilisan ko ang aking lakad na halos patakbo na. At hindi na siya umabot. Noong nasa Polo Park kami ng pamilya ko ay naka-ekwentro ko ulit siya, this time, nakapagtanong siya kung Pilipino ako dahil wala akong earphone nang matiyempuhan niya ako. At siyempre, ang mga susunod na tanong niya ay ang paghingi ng pera dahil di umano sa naiwan niya ang wallet niya at iba pang dahilan.

Maraming mga experiences ang naibahagi ng ating mga kababayan tungkol sa engkwentro nila sa taong ito. Mayroong mga pagkakataon na nagagalit siya kapag hindi nabibigyan. Nagmumura, sumisigaw. At mayroon pa siyang diskarte na kung wala kang cash ay sasamahan ka daw niyang mag-withdraw.

Kilala n’yo na siguro siya dahil popular ang kaniyang picture sa facebook at noong isang linggo lamang ay nakita ko ang picture niya sa pinto ng isang Filipino store sa Tyndall. Bawal na siyang pumasok doon. Banned.

May sakit si kabayan. Hindi normal ang kaniyang kilos. He needs medical attention.

Naiinitidihan ko na dapat nating respetuhin ang sakit ng tao. However, iniisip ko rin ang safety ng aking mga mahal sa buhay, ng aking sarili, ng aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Nirerespeto ko na marahil ay hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. Subalit, kung nagdudulot na siya ng banta sa komunidad ay hindi na ito katanggap-tanggap. Nirerespeto ko na hindi makikinig ang police kung irereport natin siya hangga’t wala siyang ginagawang krimen. Ngunit, maghihintay pa ba tayo na gumawa siya ng krimen bago siya mai-report?

Few months ago, ay nakita ko nang personal si Vince Li sa YMCA sa downtown. Nakaupo, nanonood ng TV. Sinigurado ko na siya nga iyon. Tiningnan ko siya ulit. Siya nga. Natakot ako.

Natural lamang ang aking nadama nang makita ko si Vince Li at wala akong intension na hamakin siya dahil sa kaniyang nakaraan. May stigma na nga siya kahit binago na niya ang kaniyang pangalan at nag-improve na ang kaniyang kalusugan. Sana ay magpatuloy na ang kaniyang paggaling at sa pagdaan ng panahon ay unti unti nang makalimutan ng komunidad ang hindi niya magandang nakaraan. Way to go, Mang Vince.

May libreng institusyon ang Canada para gamutin ang anumang uri ng ating karamdaman. Libre ang magpa-ospital dito. Isa pa, ang gobyerno natin ay pinopromote ang pagkalinga sa mga mental patients. Ilagay natin ang sarili natin bilang kamag-anak ng may sakit sa isip. Ano ang una nating gagawin? Siyempre, ipapagamot ang pasyente. Ayaw natin na magiging pakalat-kalat ang ating kamag-anak sa kalye, iiwasan at kakatakutan. Ayaw nating mangyari ito, hindi ba? Ang dahilan, kahit may sakit sila, mahal pa rin natin sila sa buhay.

Ang tanging magagawa natin ngayon ay mag-ingat. Umiwas. Pero kung ma-tiyempuhan niya tayo ay maging smart sa ating gagawin. Humingi ng tulong or help kung kinakailangan.

Kung tutuusin ay nakakaawa ang sinapit niya. Hindi natin alam ang kuwento ng buhay ni kabayan kung bakit siya nagkaganyan. Tanging siya lamang ang may alam ng kaniyang buhay. Sana, dumating ang panahon na umayos ang kaniyang sarili. Sana bumuti ang kaniyang kalusugan. Sana maging tulad siya ng marami nating mga kababayan na masaya, maayos at mabuti ang buhay. May pagasa pa, kabayan. Sana, sa muli nating pagkikita ay maayos na ang iyong pakiramdam. Get well, Mr. B. 

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback