• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

Mapako kaya ang mga pangako

ni Mang Brian at ng tropang asul?

ni Noel Lapuz

Unang-una ay gusto kong i-congratulate ang apat na Fil-Canadians na kumandidato sa katatapos na provincial elections dito sa Manitoba. Saludo kay Aling Aida Champagne sa pakikilahok sa demokratikong prosesong ito. Respeto kay Mang Ted Marcelino na muling nahalal sa Tyndall Park. Mahigpit na kamay ang ipinaabot ko kay Tiyang Flor Marcelino para sa isa na namang matagumpay na kampanya. At siyempre, taas kamay at kaway-kaway para sa bagong mukha sa larangan ng politika sa ating probinsya – Jon Reyes! Woot woot! Mabuhay po kayong apat. Hindi maipagkakaila ang husay nating mga Pilipino sa larangan ng pag-oorganisa at sa dakilang hangarin na paglingkuran ang sambayanan sa pamamagitan ng pakikilahok sa malayang halalan. Mabuhay ang kalaayan sa Canada!

Tapos na ang honeymoon. Excited na siguro ang marami kung ano ang kaibahan ng liderato ng PC kumpara sa NDP. May kaibahan kaya? Ano ang epekto nito sa tipikal na pamilya sa Manitoba? May magbabago ba sa usual na buhay natin? Ano ang mga pangako ng Progressive Conservatives at ng ating Premier na si Mang Brian Pallister?

Gawin nating dokumentado ang lahat. Isulat natin isa-isa ang mga ipinangako ni Mang Brian bago siya manalo at bago maging gobyerno ang PC. Pag-aralan natin at balikan natin ang mga ito pagkaraan ng apat na taon. Tingnan na natin kung tototohanin ni Mang Brian ang kaniyang mga pangako.

1. Lower sales tax

On the first day of the election campaign on March 16, Pallister promised to cut back the provincial sales tax from eight per cent to seven per cent by 2020. The one per cent of the PST is equivalent to about $300 million in annual revenue, which Pallister said he will recoup through savings and cuts.

Maliwanag pa sa kapeng malabnaw na sinabi ni Mang Brian na ang PST ay ibabalik niya sa seven per cent mula sa eight per cent. Ibig sabihin, kung ikaw ay bibili ng isang produkto na ang halaga ay $1,000 ang babayaran mo after PST at GST ay $1,120 imbis na $1,130.

2. Cut ambulance fees in half

Pallister vowed to cut ambulance fees in half within his first term in office, saying it would cost about $2.8 million a year. The Tories also said they will create a task force to help shorten wait times for service in hospital emergency rooms.

Babawasan daw ang ambulance fee at magbubuo sila ng Task Force para maging mas maikli ang waiting times sa hospital emergency rooms. Ano kaya ang magiging pangalan ng Task Force, Brian Sinclair Task Force? Sumalangit nawa.

3. Restore the right to vote on tax increases

The party promised not to increase major taxes such as income, business or retail without getting Manitobans to vote on proposed hikes. If the pledge is broken, Pallister said cabinet ministers will have 20 per cent cut from their salaries. He said he would impose this within the first legislative session.

Uy, syempre medyo siniko si Mang Greg sa pangakong ito dahil hindi pinadaan ng NDP government ang PST hike sa plebisito kaya pangako ni Mang Brian na hindi raw magtataas ng buwis nang walang botohan. At eto pa, kapag binali daw nila ang pangakong ito ay babawasan ng 20 per cent ang sahod ng kaniyang mga gabinete. Wow! Sige nga.

4. Cut income taxes

Pallister said his party will increase income tax brackets by the rate of inflation within their first full budget year. He also promised to raise the basic personal exemption toward the national average within his first term.

Hindi ako sigurado kung ano ang personal na impact nito sa ating pamilya. Kailangan natin dito ang masusing understanding ng taxation. Kailangan ay given ang figures bago natin masabi na favorable ito sa Manitobans. Ito ay isang ka-abang-abang na discussion at computation. Let us see kung sino ang mas magaling sa fiscal management at taxation.

5. Reduce deficit

The Tories said they will reduce the deficit by an estimated $21.9 million in the first year in office. The premier admitted it would only make a small dent in the $774 million provincial deficit. The platform projected $50 million a year in savings through a review of government programs. Another $35 million a year will be saved through what Pallister calls “smart shopping” for goods and services by putting more contracts up for open bidding.

Isa pang wow na pangako ito. Kung mababawasan nga nila ang deficit ng province ay malaking tulong ito sa ating ekonomiya. Pero ano ang mga strategies nilang gagawin? Ano ang magiging compromises kapag sinabi nilang review of government programs? Ano ang magiging impact ng kanilang review sa mga basic government services? Ano ang mangyayari sa mga empleyado ng probinsya? Abangan.

6. Boost funds for home-based daycare

The Tories promised to boost funding for home-based daycares in order to shorten wait lists for child care spots. The party said this would create 550 home daycare spots in 2016.

Kapag maraming home day care spots ay mas may oportunidad ang mga magulang na mag-trabaho nang mahabang oras. Ito ang isa sa mga idolohiya ng Conservatives – ang kumayod para sa pamilya at para sa bayan. I don’t disagree, pero dapat din ay balansehin ng bawat pamilya ang trabaho at oras para sa pagtutok sa mga anak. Hindi ako big fan ng day cares, kaya nga ang aking asawa ay full time homemaker. Iba pa rin kasi ang alaga ng Nanay. Pero sa mga believers ng day cares, ito ay para sa inyo.

Ito ang anim na pangako ni Mang Brian. Mga pangakong binalangkas para sa ikaayos ng ating lipunan. Sana ay maging matagumpay ang liderato ni Mang Brian. Sana ay huwag siyang makakalimot na ang mamamayan ang nagluklok sa kaniya sa puwesto kaya’t malaki ang expectations ng mga Manitobans para sa mas maayos na pagbabago.

Bilang Manitobans, hindi natatapos ang ating responsabilidad nang matapos na rin ang halalan. Patuloy tayong magmasid at kung may oras ay maglahad ng ating saloobin para sa lalung ika-uunlad ng ating pamayanan at ng ating pamilya.

Huwag sanang mapako ang mga pangakong ito ni Mang Brian at ng kulto este tropang asul.

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback