Published on

Batang North End ni Noel Lapuz    

Ang hamon ng pagbabago

The challenge of change

Bago mag-Pasko ay naglabas ng pahayag ang Gobyerno ng Manitoba kaugnay ng pagbebenta nito sa Property Registry sa halagang $75 million sa Teranet Manitoba, isang Ontario-based company. Ang Property Registry ay isang Special Operating Agency ng Manitoba Government na may dalawang departamento: Ang Land Titles Office, kung saan sila ang nag-iingat ng records ng titulo ng lupa sa buong Manitoba at ang Personal Property Registry na kung saan dito naman ini-ingatan ang mga records ng movable goods and possessions tulad ng inyong sasakyan.

Ayon sa news release ng Manitoba noong December 13, 2012:

Finding and registering legal documents when selling a house or buying a second-hand car will become faster and easier for Manitobans as a result of a new agreement, Finance Minister Stan Struthers announced today.

“This arrangement is part of our modern approach to deliver services more efficiently,” said Struthers. “It will mean better service for the public, a stable revenue stream for the province, a new company headquartered in Winnipeg and a reduction in the size of government without putting any Manitobans out of work.”

The Manitoba government will sell the Property Registry, a special operating agency, to Teranet Manitoba for a purchase price of $75 million. Teranet Manitoba will also pay royalties to the government in exchange for a license to provide property registry services to the public. Teranet is owned by the investment arm of the Ontario municipal employees’ retirement system.

Base sa news release na ito, ang pagbebenta ay naglalayong maging efficient ang delivery ng services, para magkaroon ng pera ang province at kaugnay din daw ito ng pagbabawas ng empleyado ng gobyerno ng Manitoba.

Hindi naman mang-mang o tanga ang taumbayan para hindi maintindihan ang pagbebenta ng sangay ng gobyerno. Isa lang ang ibig sabihin nito: gipit sa pera ang Manitoba government. Ayon na rin mismo sa report ng Manitoba government: “With so much uncertainty in the global economy, every province is grappling with deficits or declining revenues...” said Finance Minister Struthers.

Marami ang na-shock lalu na ang mga empleyado ng Property Registry na halos dito na nagsimula ng career at dito na rin tumanda. Pero may garantiya naman daw di-umano na walang magbabago sa benepisyo ng mga empleyado. Yun nga lang, hindi na sila government employees dahil magiging pribado na ang ahensyang ito.

Maraming gustong pumasok bilang tauhan ng gobyerno dahil sa maganda nitong benefits at security. Pero sa nangyaring ito, may kaseguruhan pa ba ang pagiging civil servant?

Isang lesson ang dala ng privatization na ito. Dapat maging handa tayo sa anumang pagbabago. Ang sabi nga, the only constant thing in this world is change. Ang pagbabago ay laging nakaabang sa ating career, nasa gobyerno o private sector man tayo.

May dapat bang ikatakot sa pagbabago? Kadalasan, ang unang reaksyon ng tipikal na tao sa pagbabago ay ang pagkalito or confusion. Dulot na rin marahil ito ng emotional impact ng pagbabago. Pero matapos ang pag-analyze sa sitwasyon, humuhupa ang tension at nagkakaroon ng liwanag at pag-asa.

It is not the end of the world kung may nagbago man sa ating workplace, family o anumang estado ng ating buhay. Para sa akin, may challenge ang bawat pagbabago.

Maraming pagsubok at breaking news ang idinulot sa atin ang taong 2012. Nandyan ang unstable economy, ang pagtaas ng crime rate sa Winnipeg, ang mga controversies sa City Hall, ang RH bill, ang pagkamatay ni Mang Dolphy, ang pagtulog ni Manny Pacquiao sa boxing ring at ang usapin ng pagbabago niya ng relihiyon, ang mga natural disasters sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng mundo at marami pang mga personal na challenges sa ating buhay.

Kung iisa-isahin mo ito ay parang maririndi ka at sobrang stress ang iyong madarama. Pero, sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na ito ay heto pa rin tayo – sumusulong, lumalaban at handang tanggapin ang mga bagong challenges o hamon ng 2013.

Simulan nating lahat ang 2013 nang may katatagan at pag-asa na ang taong ito ay magiging matagumpay para sa ating lahat, anumang pagbabago ang nakaabang.

Ang pagbabago ay isang oportunidad. Change is an opportunity.

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback