• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

We can live without walls

ni Noel Lapuz

Ang ingay ng downtown. Ma-traffic, ang daming tao sa mall. Na miss ko bigla ang “ok” na buhay sa Winnipeg sa aspekto ng pagiging “chill” lang kung ikukumpara sa mabilis na buhay sa Toronto.

Maaga akong gumising para takbuhin ang kahabaan ng Queens Way sa tabi ng lake at sa kabilang bahagi ay moderno, vibrant at busy downtown. Habang nasa level ako ng “runners high” ay naisip ko ang kagandahan at kadakilaan ng diversity sa Canada. Sa dagsa ng taong naglalakad sa downtown ay makikita mo ang mukha ng mundo. Magkakaibang hugis ng mukha, ng kulay, ng amoy, ng taas, ng suot at ng marami pang ibang pagkakaiba, pero lahat sila’y nasa loob ng isang bansang rumerespeto sa pagkakaiba ng tao; isang bansang yumayakap sa multi-culturalism; isang bansang malaya tayong maging kung ano tayo.

Sa bandang hapon ay binaybay ko ang ins and outs ng downtown. Moderno na may halong kasaysayan at heritage at mayroon ding ilang homeless sa mga kalye. Nangati pa lalo ang aking mga paa at dinala ako ng aking mga yapak sa subway train papuntang Scarborough. Sa loob ng train ay kapansin-pansin ang payak na itsura ng mga pasahero. Mayroon ding mga nanghihingi ng limos. Iba’t ibang characters at very interesting na mga tao. Nakaka-amaze.

Ang napagtanungan ko tungkol sa route ng train ay isang Iranian. May balbas, matipuno at may mabigat na accent katulad ko. Nagkuwentuhan kami habang nasa train at tulad nating lahat, nabanggit niya sa akin ang kaniyang hard work para sa pamilya. Bukas ang bansa para sa mga taong tulad natin na nagsusumikap at wala itong puwang para sa mga BS Istambay graduates and practitioners.

After more than 10 years ay nagkita kaming ulit ng aking office mate sa Qatar. Si Kannan ay isang Sri Lankan.

Para akong nasa bahay ng isang hospitable na pamilyang Pilipino nang i-welcome ako sa tahanan ni Kannan. Isang patunay ito na ang kabutihan at kagandahan ng kultura ng bawat lahi ay common sa pagiging human beings nating lahat. Kuwentuhang umaatikabo at halos walang hanggan kasabay ang masarap na mutton biryani at ilan pang spicy Sri Lankan food.

Ang Iranian kong kasakay at kakuwentuhan sa subway train ay isang Muslim. Ang aking kaibigang si Kannan ay isang Hindu, ang kaniyang ama ay isang leader ng Communist group sa Sri Lanka. Ang nag-serve sa amin sa restaurant noong Friday night ay Italian. Ang binilhan ko ng mga souvenir items ay Intsik. Ang driver ng rapid transit ay mukhang East Indian. Nasa Canada ba ako? Ang sagot ay: “Oo,” dahil ito ang itsura ng divesity at ang diversity ay ang Canada at ang Canada ay ikaw at ako na bumubuo nito.

Mayroong kasabihan ang mga Tamil na nagsasabing ang mundo raw ay bukas para sa lahat. Walang dapat umangkin kung kanino ang sa iyo at kanino ang sa kaniya. Ang dahilan ng pag-aaway ng mga tao ay ang panlalamang at pag-angkin sa mundo.

“Yaadum Oore, Yaavarum Kelir.”

Ang economic protectionism, na isa sa mga dahilan kung bakit marahil nanalo si Trump, “to make America great again,” ay salungat sa malayang industrial trade or free trade. Matagal na panahon nang binuksan ng mundo ang gates of development dahil sa paniniwalang kailangan ang interdependence ng mga bansa.

Kung ita-translate natin ang protectionism ay nalalapit ito sa pagiging makasarili ng bansa na may pina-priority na proteksyunan. Sa madaling salita, nalalapit ito sa salitang racist.

Lahat tayo ay human beings. Natututo tayo dahil sa ating pagkakaiba. Hindi balakid ang kulay, salita, kultura, gender at marami pang iba para sa kaganapan ng isang universal world. We can live without walls to make this world keep its greatness. We are already great human beings and we don’t need to be great again!

Mapalad tayong mga nasa Canada dahil patuloy ang ating pagyakap sa diversity. Sana, ay huwag sana sa atin magsimula ang pagiging mapanghusga at mapag-discriminate sa ating kapuwa. Sana, tulad ng marami, ay igalang natin ang paniniwala ng bawat isa.

Uuwi na ako sa Winnipeg habang sinusulat ko ito sa tambayan ng mga pasahero sa Pearson Airport at hindi ko maitatanggi na mas gusto ko ang Winnipeg kaysa sa Toronto sa aspeto ng ingay at traffic. Pero saludo ako sa diversity ng siyudad na ito, sa kaniyang pagiging moderno, sa pagiging vibrant, sa pagiging tower of multiculturalism in Canada. Babalikan ko si Mang Toronto at papasalubungan ko ulit siya ng Manitoba friendliness.

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback