Published on

Baon 101 Quick & Easy Recipes by Chef Alex Canlapan

Pansit Palabok, Luglug, at Malabon

ni Chef Alex Canlapan

pansitKapag usapang potluck o handaan, Hindi mawawala sa hapag ang all-time favourite na tradisyunal na noodle dish na ating kinalakihan, ito ay ang pansit. Dahil na rin sa pagiging malikhain ng ating mga sinaunang kusine- ros at kusineras, iba’t ibang uri ng pansit ang nabuo base sa pinang- galingang lugar, pamamaraan ng pagluluto at presentasyon maging ang mga sangkap nito.

Sa pagkakataong ito nais kong magbahagi ng madali at simpleng pamamaraan sa pagluto ng Pansit Palabok. Ngunit bago ang lahat pag-usapan muna natin ang kai- bahan o kahalintulad ng Pansit Malabon, Pansit Luglog at Pansit Palabok.

Kadalasang napagkakamalang iisa lamang ang noodle dishes na ito sapagkat halos magkakatulad ang kulay at presentasyon ng bawat isa. Gamit ang thick orange sauce, mga sangkap o garnish at maging ang pamamaraan ng pagluluto nito ay halos walang pinagkaiba.

Heto ang ilang mga pagha- hambing:

Pancit Malabon – Uri ng pansit na nagmula sa Bayan ng Malabon. Gamit ang thick rice noodles. Ang sauce nito ay mala- yellow-orange ang kulay na mula sa shrimp broth, achuete o annatto seeds, fish sauce, taba ng talangka

at harina. Ang mga toppings na- man nito ay maaaring hipon, pusit, tahong, talaba at tinapang isda. Puwede ring idagdag ang sliced hard boiled eggs, gisadong baboy, dinurog na chicharon, chopped green onions, binusang bawang at kalamansi. Ang sauce nito ay nakahalo na sa noodles.

Pansit Palabok – Isang uri ng pansit na ang gamit naman ay cornstarch stick (bihon), thin noodles. Mas matingkad na kulay orange ang sauce nito na may kaparehas ring sangkap at puwedeng fish broth ang gamitin. Ang mga toppings ay hard-boiled eggs, gisadong ground pork. dinurog na chicharon (kropek), tinapang isda, green onions, bawa- ng at kalamansi.

Pansit Luglug – Bersiyon naman ng mga Kapampangan ang pansit na ito. Halos tulad rin ng pamamaraan ng paggawa ng sauce, mga rekado, toppings at garnish ng Palabok. Ang katagang Luglog ang nagbigay ng diin sa dish na ito na ang ibig sabihin ay ilublob ang pre-cooked noodles sa mainit na tubig gamit ang strainer bago ito ilagay sa plato at lagyan ng sauce at mga toppings nito. Maaari ring gumamit ng miking lapad o bilog.

Iyan ay ilan lamang na klase ng pansit na popular sa atin ngunit

hindi nakapagtataka na dahil sa dami ng probinsya, pulo, at lenguwahe sa Pilipinas ay maaari ring may iba pang nabubuong uri ng pansit na hindi pa natin natitik- man.

Umpisahan na natin ang pagluluto ng Pansit Palabok.

Para sa 10 katao
Prep time: 15 minutes

Cooking time: 30 minutes

Estimated total cooking time: 45 minutes

Mga kailangang sangkap

500 grams bihon. Ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 10 minuto o hanggang umalsa at lumambot na ito.

Para sa palabok sauce

3 tbsp cooking oil
1 tbsp minced garlic
1⁄2 cup chopped white onion 250 grams ground pork
2 tbsp fish sauce
1 tbsp annatto powder
1 litre water (o puwedeng gumamit ng shrimp stock)
1 fish bullion o shrimp bullion 1⁄2 tsp ground pepper
1 tsp paprika powder
75 grams flour (thickener)
1 cup water (for thickener)

Para sa toppings

5 hard boiled eggs (thin sliced)

150 grams shrimp (cooked / peeled)

200 grams chicharon (ground)

20 grams chopped spring onions

125 grams tinapang durog

5 pieces kalamansi (lemon as alternative)

Paraan ng pagluluto

  • Ibabad ang bihon sa mainit

na tubig sa loob ng 10 minuto o hanggang sa umalsa at lumambot ito. Salain at ilagay sa isang bowl at itabi.

  • Magpainit ng kawali na may mantika (cooking oil of your choice), kapag ito ay may sapat nang init, simulan na ang pag- gisa ng chopped white onions and minced garlic.
  • Idagdag ang ground pork at timplahan ng ground pepper, fish sauce at paprika powder. Isang- kutsa hanggang 5-10 minuto o hanggang maluto ang ground pork at kumatas ang flavour nito.
  • Tunawin ang annatto powder sa one litre of water na may shrimp broth at ibuhos ito sa sinangkut- sang giniling na baboy.
  • Bahagyang pakuluin, idag- dag ang bullion cube at timplahan ayon sa inyong panlasa.
  • Pakuluin sa loob ng ilang minuto.
  • Sa isang katamtamang laki na bowl, tunawin sa tubig ang flour at ihalo ito bilang pampalapot sa pinakulong mixture. Patuloy na haluin hanggang maabot nito ang tamang lapot ng palabok sauce. Pag husto na sa inyong panlasa handa na itong ihain.
  • Painitin ang noodles at mag- lagay sa isang plato.
  • Buhusan ng palabok sauce ang bihon. Ilagay unti-unti ang tinapang durog, sliced boiled egg, hipon, chicharon at spring onion. Maghiwa ng kalamansi at ilagay sa gilid ng plato, and it’s ready to serve!

Sana po ay makatulong ang Quick and Easy Recipe na aking naibabahagi at maging gabay ito sa ating pagluluto. Lagi po nat- ing tatandaan, sikapin po nating maging malikhain sa lutuing nais nating ihain.

Happy cooking! – Chef A.C.

Para sa inyong mga katanungan at suhestiyon, mag email lang po kayo sa akin sa: alexcanlapan74@gmail.com

Have a comment on this article? Send us your feedback