Published on

Baon 101 Quick & Easy Recipes by Chef Alex Canlapan

Homemade meat sauce

ni Chef Alex Canlapan

meat sauceNag-iisip ka pa ba ng lutuing madali na, maaari pang pang-miryenda, pambaon, o maging panghandan? Boom! Siguradong mapapakanta ka ng Spaghetti song ng Sex Bomb dancers kapag ito ay sinubukan mong lutuin. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang napakadali at simpleng paraan ng pagluluto ng homemade meat sauce na maaari ninyong ihalo sa kahit anong pasta na inyong ninanais.

  • Prep time: 5 minutes
  • Cooking time: 30 minutes
  • Total Time: 35 minutes
  • Servings: 8 to 10

Ingredients

  • 800g ground meat (beef or pork)
  • 50g minced garlic
  • 300g mirepox (small diced onion, small diced carrots, small diced celery)
  • 100g small diced red peppers
  • 250g sliced red hotdog or weiners (optional)
  • 4 cups tomato sauce
  • 2 cups water
  • ½ tbsp salt
  • ½ tbsp ground pepper
  • ¼ cup paprika
  • ¼ cup brown sugar
  • ½ cup soy sauce
  • ¼ cup dried basil
  • Cooking oil
  • 750g pasta (your choice – spaghetti, penne, macaroni at marami pang iba)

Garnish

Shredded cheese (your choice – parmesan, mozzarella, cheddar)

Chopped parsley or fresh basil

Paraan ng pagluluto

Para sa pasta:

  1. Magpakulo ng tubig sa inyong cooking pot. Lagyan ng mantika at asin.
  2. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang inyong pasta. Haluin at lutuin ang pasta hanggang sa tamang texture nito (al dente).
  3. Hanguin at itabi.

Meat Sauce:

  1. Isangkutsa ang ground meat hanggang maluto at kumatas ang sebo o taba nito. Pagkatapos ay salain ang nasangkutsang karne, at itabi.
  2. Simulan nang igisa ang mga diced onions, diced carrots, diced celery, diced red peppers at minced garlic. Ihalo ang itinabing nasangkutsang karne.
  3. Timplahan ng ground pepper, salt, paprika, brown sugar at soy sauce. Idagdag ang nahiwang hotdog at haluing mabuti.
  4. Pagkatapos ay ibuhos ang tubig at tomato sauce.
  5. Lutuin hanggang kumulo ang mixture. Hayaan ito hanggang 15 minutes o hanggang sa lumapot ang sarsa nito.
  6. Tikman at timplahan muli ayon sa inyong panlasa. Idagdag ang dried basil. At kapag husto na ay maaari n’yo na itong maging sauce sa napili ninyong pasta – spaghetti, penne, macaroni, at marami pang iba.

Isang napakadali at simpleng pamamaraan ng pagluto ng meat sauce. Para sa inyong pamilya, mga kaibigan o maging sa inyong barangay.

Sana po ay muli tayong nakatulong sa pagbabahagi ng ating quick and easy recipe ng mga lutuing nais nating masubukan.

Muli, lagi po nating tatandaan, sikapin maging malikhain sa lutuing nais nating ihain.

Enjoy and happy cooking! – Chef Alex.

Para sa inyong mga katanungan at suhestiyon, mag email lang po kayo sa akin sa: alexcanlapan74@gmail.com

Have a comment on this article? Send us your feedback