|

MAYNILA –Ang diwa ng People Power Revolution na mahango sa hirap ang higit na nakararaming mamamayan ay nanatiling pangako. Sa loob ng nakalipas na 24 na taon, lalong dumami ang mga kurap sa gobyerno. Ang people power ay naging power failure.
***
Noon, ang People Power ay ok. Ngayon, hindi na raw, ayon kay Gloria na produkto ng sapakatan na nagpatalsik kay Erap sa palasyo.
***
Naibalik nga raw ni Tita Cory ang demokrasya, pero disgrasya ang resulta. Ang tinagurian Marcos cronies ay nahalinhan ng “kamag-anak incorporated.” Nabalik sa kapangyarihan ang mga eletista at mga kurap na opisyal ng pamahalaan.
***
Sinabayan din ng political heat ang init ng panahon dito ngayon. Ang mga botante ay darang na darang na sa mga pangako ng mga politiko.
***
Ang malubhang sakit ng lipunan ngayon, makaraang manubalik ang demokrasya noong 1986 ay kasalanan ng mga partidong Lakas-Kampi, LP at NP, ayon sa Ang Kapatiran Party. Amen
***
May katwiran ang kampo ni Erap sa pagsasabing sila ang tunay na oposisyon sa kasalukuyang gobyerno. Maliwanag nga naman sa sikat ng araw ang katotothanang ang LP ni Noynoy at Mar, gayon din ang NP ni Villar at Legarda ay kabilang sa mga eletista na nagsapakatan para mailuklok sa palasyo si Gloria.
***
Hindi nakapagtataka kung si GMA ay nagnanais makapagtalaga ng bagong CJ ng Korte Suprema. Marahil, natatakot matulad sa mga pinuno ng Thailand, Pakistan at Peru. Binawi sa kanila ng kani-kanilang Korte Suprema ang mga nakulimbat na yaman sa panahon ng kanilang panunungkulan.
***
Si ex-senator Kit Tatad, ayon sa survey, eh, wala raw sa winning circle ng senatoriables. Marahil epekto ‘yon ng kaniyang pahayag noon laban sa political dynasties. Malabo siyang suportahan ng mga local officials na sali’t salin ang kapangyarihan at pagpapayaman.
***
Totoo nga kaya na ang lupa ng mga eredero ng Dumagat sa Norzagary, Bulakan, eh, naipantakip sa pagkakautang ng isang bangko sa Bangko Sentral ng Pilipinas? Isang maselan na isyung humihingi ng kaukulang paliwanag mula sa kampo ni Manny Villar.
***
Hindi malayong magkaroon ng negatibong epekto sa mga kandidato ng Magdalo ang pahayag na endorso kay Villar. Ang ipinaglalabang makabayang prinsipyo noon, “fighting for what is right” ay waring nilamon na ng masamang sistema. Ang “kalakaran sa politika” ngayon, ayon sa atat na atat maging pangulo.
***
Sa mga TV station ng gobyerno, tulad ng Channels 4, 9 at 13 ay full force daw ang coverage sa Villar-Legarda tandem. Teka, hindi ba si Gibo Teodoro ang kandidato ng administrasyon?
***
Sa Pulse Asia survey si Manny Villar daw ang “most trusted ng Pinoy.” Pangalawa si Noynoy Aquino. Maraming hindi kombensido.
***
Halatang halata ang interes ni Kano sa Mindanao. Lihim na itinutulak ang Bangsa Moro State. Marahil, nakikipagusap na sa mamanuking kandidato sa pagka-presidente sa layong maisakatuparan ang kanilang motibo.
***
Tungkol sa mga sandatang nuclear ang tema ng summit sa Washington na gaganapin sa unang linggo ng Abril. Umaasa ang mga alipores ni GMA na magkakaroon ng one-on-one meeting si Gloria at Barack Obama.
***
Sa ilalim ng Visiting Forces Agreement, ang mga Kano “can stay on RP soil,” ayon sa Korte Suprema. Aha, ano ‘yan? Bisitang-babad?
***
Nakatakdang muling bumisita sa Pilipinas si US ex-vice president, Al Gore sa ika-30 ng Abril. Climate change ang muling tema ng kaniyang dada. Kung hindi re-wind, eh, re-cycle?
***
Naku naman, ang leader ng provincial Tory, hindi pa man nangyayari ang resulta ng Concordia by-elections, eh, waring umamin na ng pagkatalo. Ang pagiging matapat ng isang lider ay karaniwang bukol sa partido.
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail him at
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
E-mail:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Have a comment on this article? Send us your feedback
|