• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoPebrero 1 – 15, 2017

ni Paquito Rey Pacheco

Nakatuon ang isipan ng mga Canadian immigrants tungkol sa muling binuksang pagtanggap ng immigrants na pangako ng Federal Liberal Party. Pangkabuhayan at family unification ang interes ng karamihan. Subalit hanggang sa ngayon ang nabalitang Express Entry ay waring mabagal pa rin daw. Kung totoo, hindi kaya sanhi sa magkakaibang patakaran na piniiral ng various provincial governments regarding provincial pominee program issues?


Kasalukuyang pinaghahandaan na ang pagpili ng bagong leader ng Federal Conservative Party sa ika-27 ng May, 2017. Ang pangalan ng mga nakalahok na sa leadership race ay sina Steven Blaney, Andrew Scheer, Kevin O’Leary, Patrick Brown and Christine Elliot at iba pa.


Within 100 days malalaman na rin ang ilang palatandaan kung saan patungo ang pamamahala ni US president Donald Trump, ang 45th president of USA. Ang inagurasyon ni Trump noong ika-20 ng Enero ay sinabayan ng street protests. Kontrolado ng Republicans sa ngayon ang dalawang antas ng legislature subalit sa 2019 ay possible na mabago, batay sa magiging takbo ng Trump administration.

Pilipinas

Ibinalita ng Chinese media na kung haharangin ng US ang Chinese activities sa ginawang isla at West Philippine Sea, baka giyera ang resulta dahil ang motibo ng China ay depensa.

Five Philippine military bases ang inakupahan ng US military forces, salamat sa dating Aquino administration. Binalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa taong ito ay unang sisimulan ang pagpapagawa ng US military facilities sa Clark Airbase, Pampanga.

Sana word-war na lang sa pagitan ng Washington at Beijing. Pilipinas ang magiging collateral damage na naman ng giyera na kaparis noong WWII. Giyera ng Amerikano, nadamay ang mga Filipino.


Nagiging malabo na ang larawan ng sinusulong kapayapaan at katahimikan ng bansa. Ang “peace talk” sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front ay malamang maging fish-talk, batay sa nakaraang ikatlong panayam.


Sa ika-18 ng kasalukuyang buwan, nabalitang magsasagawa ng street protest ang kilusang anti-Duterte leadership ng gobyerno. Pangungunahan umano ng Catholic Bishop Conference of the Philippines at iba pang kritiko ng administrasyon. Pangunahin ang tungkol sa issue ng EJK na kampanya laban sa illegal drug trade na maraming napapatay. Marami din namang Obispo at Pari ang nagmamasid lang. Totoong maraming napapatay tungkol sa kampanya laban sa illegal drug trade ng Du30 administration.


Ang unang nagsabing si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ay dapat magbitiw sa katungkulan ay si Speaker Pantaleon Alvarez. Ang issue ay tungkol sa pinatay na negosyanteng Koreano Jee Ick Joo. Sana nag-usap muna si Alvarez at Bato sa harap ni Digong. Ang president ang may karapatang magdesisyon. Bakit pinalabas kaagad sa media?

Ang ginawi ng Speaker ay waring pagtuntong sa balikat ni Bato. Pati ang pangulo ay pinangunahan. That is not helping DU30. Si Digong ang nagtalaga kay Dela Rosa as PNP Chief. Ang balitang kaya nagtatagumpay ang kampanya vs illegal drug ay dahil din sa pamamalakad ni Bato. Bato stays sabi ni DU30. Sa birthday party ng PNP Chief ay nakitang sina Pres. Duterte, PNP Chief Bato at Alvarez ay nagtatawanan. Ano ba ‘yan? Sa wari ko, ang pinagtatawanan ngayon ng mga minoryang LP at ng mga tao ay walang iba kundi ang Speaker.


Sinabi nga ni President Duterte na kung gugustuhin niyang magdeklara ng Martial Law, wala daw makakapigil sa kaniya. Tototo nga po, karapatan niyang magproklama subalit nasa legislature and judiciary to say if ok or not.

Nasa probisyon ng 1987 Constitution. Article VII, Sec 18, ang karapatan at kapangyarihan ng pangulo. Waring hindi naman niya gagawin yon. Kung tunay magdedeklara ay bakit niya sasabihin pa? Subalit kung maraming pasaway baka nga matuloy.


Nangako ang Japan Prime Minister Shinzo Abe ng one trillion Yen ($8.6 Billion) investment sa Pilipinas sa loob ng limang taon na Duterte administration. Ang pondo, ay from Japan’s Official Development Assistance (ODA) at private sector’s investors.

Nilagdaan sa Malacañang ng pangulo at Japanese PM ang mga kasulatan tungkol sa proyekto. Inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa mga Filipino. Ang Japan ay interesado sa Mindanao na maaaring paglalaanan ng pondo.


Nabalitang sa huling tatlong buwan ng 2017 ay nakatakdang simulan ang 38-kilometre railway magmula Tutuban, Maynila hanggang Malolos, Bulakan. May plano rin umano sa pagpapagawa ng 55-kilometre highway from Malolos na patungong Clark, Pampanga. Gayon din ang planong ang planong rehabilitation and modernization ng 653-kilometre railway system from Tutuban Manila to Legaspi City, Bicol. Maglalaan ng mahigit 117 billion pesos na gastusin sa ilalim ng public-private agreement ng Pilipinas at China. Tiyak makapagbibigay ng trabaho sa mga tao ang nabanggit na mga proyekto.


Mula sa planong Ph 2,000 pesos kada buwan, nauwi sa Ph 1,000 pesos na lang muna ang pensiyon. Ang susunod na Ph 1,000 pesos ay hindi pa rin malaman kung kailan dahil daw sa kakulangan ng SSS funds.

Nagkaproblema sa SSS funds sanhi sa hindi maayos na pamamahala. Ang Trust Funds ay para sa mga nagtrabaho sa pribadong kompanya. Kaparis din ng sa GSIS Trust Funds ng mga nalingkod sa gobyerno.

Hindi nga ba naiwasang ang SSS funds ay napautang sa mga mayayaman at paborableng kapitalista. Dapat sa mga bangko nangungutang, hindi sa SSS at GSIS. Ang pensioners ngayon ang naperwisyo.


Sanhi ng LeniLeak, nahaharap ngayon ang vice president sa mga pangyayaring masakit sa ulo. Nabulgar ang tungkol sa isyu ng foreign contributions na bawal tanggapin ng sinumang kandidato sa Philippine elections. May kaso nang nakasampa sa Comelec laban sa VP subalit hanggang ngayon ay waring sebo na nakalutang sa nilagang baboy. Gayon din ang hindi nasunod ng LP na June 8, 2016 deadline for filing their Statements of Contribution and Expenses sa Comelec.

Ang LP ay nagharap ng reconsideration sa Korte Suprema. Nabalitang ang decision ng SC en banc may come soon.


Halos apat na buwan na mula nang talakayin sa kongreso ang tungkol sa illegal drug trade sa bansa. Ang alegasyong kaso ni Sen. Leila de Lima ang nakasalang. Mismong ang senadora ang kinariringgan ng mga palatandaan laban sa kaniya. Ang teka-teka ni DOJ Secretary Vitaliano Aguire ang problema.

Katas

May karapatan at kapangyarihan ang Pangulo to declare Martial Law. Mahigpit subalit napapaikutan. Heto ang buod ng proseso.

  • Sa loob ng 48 hours ng deklarasyon kailangang ang pangulo mismo, sa pamamagitan ng sulat ay ipaalam sa kongreso.
  • Ang mga kongresista at senador - sa regular or special session jointly, ay magdedebate bago bumoto.
  • Pagkatapos, magbobotohan. Ang resulta ang magiging batayan.
  • Kung may magrereklamo, kahit karaniwang mamamayan, ang mga mahistrado ng Supreme Court will review the issue. Sa loob ng 30 days kailangang palabasin ang desisyon.
  • Marahil nakamit na ng pangulo ang kaniyang hinahangad bago magkaroon ng desisyon ang SC en banc.

Kasabihan

Kahoy mang nababad sa tubig, idarang sa apoy, tiyak magdirikit.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback