• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoEnero 1 – 15, 2017

ni Paquito Rey Pacheco

Bagong Taon, bagong pag-asa sa gitna ng hirap at ginhawa. Panibagong pagkakataon ng pagbabago tungo sa buhay na maganda ang inaasahang maging bunga.


Sanhi sa hindi raw inaasahang snow fall this season, ang Winnipeg City ay nabalitang nahaharap sa malaking budget problem. Halos naubos na raw ang nakalaang pera na pinambayad sa street cleaning na dulot ng December 6 snow fall.


Ang outgoing US president, Barack Obama ay nagbabala. Gaganti sa Russia. Ang isyu ay dahil umano sa tuwirang pakikialam ng Russian president, Valdimir Putin sa nakaraang US presidential elections.


Sa ika-20 ng Enero nakatakda ang simula sa katungkulan ng 45th president of the USA, Donald Trump ng Republican Party.

Pilipinas

Pagbati ng “Merry Christmas” kung panahon ng Pasko ang ang waring malapit sa katotohanan. Ang “Prosperous New Year” ay bulaklak na lang ng dila? Wala nang mahirap, kung nagiging totoo.


Ang nakababahala ngayon sa mga mamamayan ng Pilipinas ay tungkol sa tensiyon na dulot ng politika sa bansa at mga nagaganap na iringan ng China at USA sa South China Sea.


Nakakasawa na ang political drama na nangyayari sa dalawang kapulungan ng kongreso. Ang pangunahing layunin ng Duterte’s declared war against illegal drug trade ay para maayos at maging maganda ang kinabukasan ng mga kabataan at mga sanggol pang isisilang.

Sa loob at labas ng bansa, ang kampanya ng gobyerno kontra illegal drug trade ay suportado ng maraming Filipino.


Naalala ko ang sinabi noon ng nationalists na former senator Claro M. Recto. Sa ilalim daw ng presidential system ng gobyerno, may tatlong paraan para ang pangulo ay mawalan ng kapangyarihan: by God, impeachment, and rebellion.


Bagaman napapanahon ang kampanya vs illegal drug trade, ang death penalty na sinusulong sa kongreso ay hindi dapat mangyari. Labag sa 10 Utos. “Huwag papatay ng tao.” Pagbibilanggo na lang sa nagkasala ang dapat. Alalahaning humigit-kumulang sa 80 per cent ng taumbayan sa bansa ay Kristiyano.


Hanggang hindi nababago ang sistema ng gobyerno na nakapaloob sa 1986-87 Constitution, walang pag-asang magkaroon ng katahimikan at umunlad ang kabuhayan ng mga Filipino sa sariling bayan.

Kung pagbabatayan ang mga nararanasang problema ng bansa sa kasalukuyan, higit na maganda ang nilalaman ng 1935 and 1973 Constitution kumpara sa 1986-87 laws ng Corazon Aquino revolutionary government.


Sobra na. Tama na ang kaguluhang nangyayari na dulot ng maruming politika. Sa tuwing nagpapalit ng administrasyon, hati kaagad ang taumbayan.

Sa totoo lang, nasayang ang pagkakataon na magbago ang sistema ng gobyerno pagkaraan ng EDSA-1 peaceful revolution. Ang maraming bilang ng taumbayan ay lalong nalubog sa kahirapan. Nangibabaw ang kasakiman sa pera ng mayaman at ng mga namahala sa bayan.


Magsisimula na sa mga araw na darating ang pagsisikap na pagbangon ng LP na layong maging totoong official opposition party sa ilalim ng liderato ni Sen. Kiko Pangilinan and VP Leni Robredo as titular head ng partido.


Dahil sa sinabi ni President DU30 na kailangang maimyendahan ang 1987 Konstitusyon. Bigyan ng higit na karapatan ang pangulo sa pagdedeklara ng Martial Law. Nanawagan naman si Ms Robredo sa taumbayan na huwag payagan.

Aba, kahit ngayon po, ang pangulo ay may karapatang magdeklara ng Batas Militar, batay sa Article VII, Sec. 18 ng 1987 Konstitution.

Katas

Iba’t ibang senaryo ng politika ang pinipinta ng LP na naghahangad makabangon sa pagkakadapa mismo sa kanilang tuwid na daan.

  • Pangunahin sa kanilang motibo ay mapatalsik sa kapangyarihan si President Duterte sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan.
  • Sa ibayong dagat kumakampanya ng suporta. Kahit opinion lang ang sinasabi ay inaaring katotohanan at pinalolobo.
  • Si VP Leni Robredo ay nangako, kung baga daw sa mga ibong nagliparan, sabi’y kaya niyang mapabalik sa dating pugad.
  • Nagpapakita ng waring malasakit tungkol sa kalusugan ng pangulo. Hiniling ni Leni na ipasuring mabuti ang karamdamang taglay ni Digong kung kararapat pang manatiling pangulo.

Kasabihan

Ang baho ay baho. Tiyak mangangamoy kahit anong tago.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback